Chapter 10

130 11 0
                                    

Nagising ako sa isang katok.  Sino ba yan? Ang aga namang nambulabog. Napatingin ako sa oras, lintik, ala-una palang ng madaling araw. Napatingin ako kay Baby na nasa tabi ko na mahimbing na natutulog. Tumayo ako at binuksan ang pinto.

"Boss." Siya pala ang kumakatok. Ano naman ang kailangan niya sa ganitong oras?

"Nasaan ang baby?"

"Nasa higaan natutulog." Binuksan ko ng malaki ang pinto at pinapasok siya. Nilapitan niya ang baby at kinalong ito.

"Kukunin ko na siya, huwag mong ipasasabi kahit kanino ang tungkol dito." Di ko siya maintindihan.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Ipapatakas ko ang kaniyang mga magulang kasama siya sa malayong isla." Nanlaki ang aking mata sa kaniyang binabalak.

"Hindi ka ba natatakot? Maaari kang mapahamak sa gagawin mo."

"Wag ka ng magtanong pa. Basta tayo lang ang nakakalam." Bago siya umalis ay hinalikan ko muna si Baby. Kahit papaano ay na gustuhan ko narin siya kahit sa maikling panahon lang. Hahalikan ko na nga sana si Boss ng suntukin ako sa mukha.

Bago ako natulog muli. Naalala ko ang sinabi sa'kin ni Twenty.

"Yan ang sinasabi ko sayo Zero. Kung ano man yang nararamdaman mo. Pigilan mo na maaga palang dahil maaaring makatulad ka sa kanila."

"Ayaw naming malaman na pinatay ka dahil may gusto ka sa kaniya. Sa simple mong pag-amin buhay mo ang magiging kapalit."

Hindi kayang pumatay ni Boss sa mga taong ang tanging hangarin lang ay ang kapakanan ng iba. Ngunit di ko akalain na may ganitong patakaran sa bilibid. Kaya pala sa simula palang binalaan na ako ni Twenty. Sana pala pinigilan ko na ang aking sarili noong hindi pa ako tuluyang nahuhulog ngunit sa nangyari ngayon hulog na hulog na talaga.

Hindi ko inaasahan ang naging plano niya, kahit ipahamak ang sarili niyang buhay sa pamilyang iyon.

_____

Kinabukasan, binulabog naman ako nila Six at Twenty, hinahanap nila si Baby.  Todo paliwanag naman ako at pagsisinungaling na kinuha ni Boss sa'kin kagabi palang ang baby at nagpanggap na hindi ko alam kung saan niya ito dadalhin.

"Kawawang bata, wala na ang magulang niya."

"Wala na tayong magagawa, patakaran na ang nilabag nila kaya dapat maging responsable rin silang harapin ito." Ang maingay na bilibid kahapon ay parang nabalutan ng katahimikan. Nalungkot sila dahil hindi man lang daw nila nakita sa huling pagkakataon ang baby.

"Almusal niyo." Napalingon kami kay Boss na kakarating lang habang hila-hila ang malaking trolley ng pagkain. Nagsilapitan kami para kumuha ng pagkain. Umalis na rin agad siya at hindi ko na naitanong kung naging matagumpay ba ang plano.

"Di niyo ba napapansin ang napapasin ko?" Kunot noo kaming nakatingin kay Twenty. Ano naman ang tinutukoy niya?

"Ano ba iyon?" Tanong ni Six.

"Patagal ng patagal naging kaunti na ang size ng kain. Naging maliit at bilang nalang ang hiwa ng karne."
N

apatingin tuloy ako sa pagkain ko. Tama nga ang sinasabi niya. Parang half rice nalang ang kanin at yung karne maliit at kaunti ang bilang.

THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon