"Makinig ka ng mabuti Zero para hindi na maulit ang nangyari kanina. Halatang hindi ka talaga nabigyan ng ilang regulasyon ni Boss." Nasa selda ako kasama si Twelve, Thirteen at Six.
"May ginawa ka Papa Zero no? kaya ka hindi niya nabigyan ng ilang instructions at paalala."
Naalala ko ang biro ko sa Warden doon sa silid. Hindi ko makakalimutan paano siya nag react sa ginawa ko. Baliw naman kasi ang lapit ng mukha niya, isa lang naman akong hamak na lalakeng natutukso rin sa labi.
Naramdaman ko ang paggapang ng kamay ni Six sa hita ko kaya walang pagdadalawang-isip ko siyang tinulak at napasubsob sa sahig.
"Ang peslak ko, sinira mo. Wala pa namang plastic surgery dito." Inirapan niya ako habang nakalingkis sa braso ni Twelve."Sa tantiya ko alam mo na may nag eexist na bilibid dito noong nasa Pilipinas ka palang."
Ha? Wala nga akong nababalitaan na may ganito pala dito?
"Wala nga akong nalalalaman na may ganito pala." Nagkatinginan silang tatlo na parang may masinsinang pag-uusap gamit ang mata.
"Ganito nalang magtapon ka ng mga tanong at sasagutin namin sa abot ng makakaya."
Saan ako magsisimula? Napahawak ako sa baba habang nag-iisip. Ah!
"Totoo ba na walang pasukan at labasan dito?" tanong ko. Imposible naman kasi, maaaring pinaglalaruan lang ako ng Warden.
"Oo,buong isla napapalibutan ng mataas na pader," sagot ni Twelve. Hindi nga nagbibiro ang Warden.
"Ang mga code name sino ang nakaisip?" Nagkibit balikat silang tatlo.
"Hindi namin alam 'yan pero minsan na pinaliwanag ni Boss ang tungkol diyan. For safety daw ng bawat isa," paliwanag ni Thirteen habang nakaturo sa damit niyang may nakatatak na numero..
"Wala bang ibang katulong dito at siya lang ang nakikita ko palaging nagbabantay sa'tin?"
"Ano kasi Papa Zero, siya lang talaga ang nagbabantay sa'tin. Siya lang ang makakalabas pasok at bawal ang mga tagapagbantay na umapak dito," sabi ni Six sabay palo pa sa braso ko.
Masamang tingin ang pinukol ko kay Six. "Bakit?"
"Iyan lang ang alam namin," giit ni Twelve.
"Bakit babae ang Warden natin? Hindi ba nakakaloko iyon sa'tin bilang lalake?"
"Iyan ang hindi namin masagot noon pa. Bakit babae ang tagapagbantay?" Napakagat ako ng labi. Ang gulo naman ng bilibid na ito.
"Ehh, ang nangyari kanina, sa tanghalian. Nagtanong lang ako tungkol sa pamilya ni Fifteen, ang sama na ng tingin niyo sa'kin."
"Kasi, Zero sa oras na pinatapon ka dito sa isla. Mawawalan ka na ng koneksyon sa labas sa buo mong buhay. Kung mamatay ka, ang mga kasama mo lang dito ang kayang magluksa at nakakaalam." Natigilan ako sa paliwanag ni Thirteen.
"Ibig rin sabihin nito, walang dadalaw sa'tin galing sa labas maliban nalang kapag government officials," dagdag ni Six.
"Kahit tawag man lang?" Sabay silang tumangong tatlo sa tanong ko.
"Wala kang makikitang telepono dito, tanging walkie-talkie lang ngunit si Boss lang ang may hawak at mga tagabantay sa labas. Meron namang isa dito sa'tin ngunit for emergency purposes lamang."
Napangiti ako ng mapait, bakit ba ako mag-aalala na prohibited ang komunikasyon sa labas, simula't sapul pa naman tinalikuran na ako ng aking pamilya. Wala na silang pake na makulong ako. Walang gana akong humiga sa kama at tumalikod sa kanila. Hanggang sa ko nalang ang tunog ng pagsara ng pinto ng aking selda.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...