Nakahilera kami habang papalabas sa gusali. Bawat isa may hawak na panlinis. "Huwag kayong magtangkang tumakas. Gigilitan ko agad ng buhay ng wala sa oras ang mahuhuli ko."
Nakatitig sa'kin ang Warden habang sinambit niya iyon. Malaki talaga ang galit niya. Naalala ko ang sinabi ni Twenty na bawat kilos namin alam nito. Ano kaya ang paraan niya para malaman ang lahat? Wala naman akong nakikitang CCTV sa selda at bawat kanto ng kulungan? Baka naman pasimple niya kaming sinisilipan?
Sinalubong kami ng sinag ng araw at malamig na simoy ng hangin. Alas-sais palang ng umaga kaya hindi masakit sa balat ang init.
"Fresh air!" Nagpaikot-ikot si Six habang nilalasap ang preskong hangin. Nagpakarga pa siya kay Twenty pataas. Pagbaba niya ay sinalubong agad siya ng pwet ni Twenty-five.
"Prrrrruuuttttt!" Isang mangamoy na utot ang sapul sa kaniyang mukha.
"Walangya!" Hinabol niya ito at pinagsusuntok.
"Makakalabas nga tayo pero may kapalit naman," bulong ni Five na nasa likuran ko.
Nasa labas ng tarangkahan ng gusali ang mga tagabantay na may hawak na malalaking armas. Kumaway pa sila kay Boss nang makita nila ito. May mga ngiti silang malagkit sa kaniya, nakaramdam ako ng galit. Ako lang ang may karapatang ngumiti ng ganyan sa kaniya. Si Boss naman may malandi rin palang tinatago, lumapit pa doon at kinausap ang mga manyakol.
"Kawawa naman ang walis tambo, Zero." Napalingon ako kay Thirteen na may ngiting mapaglaro. Bumaba ang tingin ko sa walis na halos masira na sa mahigpit kong pagkakahawak.
"Nagseselos si Loverboy." Bago ko pa man siya mabatukan ay tumakbo na siya palayo, walangya siya.
Nakasimangot akong tumalikod at nagtungo sa lugar na naka assign sa'kin. "Bakit tayo nandito?" Nakakunot noong reklamo ni Twelve habang padabog na nagwawalis. Nasa likod kami ng gusali at bilang lang kami ang nandito.
"Ito kasing si Zero, pinainis si Boss kaya nadamay tayo," sisi sa'kin ni Thirteen.
"Ano namang ginawa ko?"
"Manyakol ka kasi, kulang nalang matunaw si Boss sa malagkit mong titig," bulyaw niya.
"Kasalanan ko bang ang mata ko ay gustong sa kaniya lang nakatitig." Sabay silang nagtawanan nang marinig ang sinabi at kulang nalang maglumpasay sa lupa sa kakatawa.
"Matagal na talaga akong nagdududa sayo. Kahapon ka palang dumating ngunit kung makapagbiro ka kay Boss parang matagal mo na siyang kilala."
"Nakakatuwa kasi siyang inisin."
"Sa ginagawa mo, pasa naman ang natatanggap mo." Masama tingin ang pinukul ko kay Twelve habang nakaturo sa dalawang kong pasa sa mukha. Hindi pa nga gumagaling ang mukha ko sa una naming pagkikita sinundan niya pa ng isa.
"Bakit ba kasi hindi siya ngumingiti? Parang pasan niya ang buong mundo na mahirap iinat ang labi niya. Tayo nga kaya pa nating ngumiti kahit nakakulong tayo dito panghabangbuhay."
Nagbuntonghininga silang dalawa.
"Huwag ka ng mangarap na makitang nakangiti si Boss. Sa ilang taon na nakasama namin siya kahit isang beses hindi siya ngumiti sa'min," giit ni Thirteen."Gano'n ba? Edi isang malaking karangalan sa'kin na pangitiin siya, lalo na't ngayon ay nandito na ako, " puno ng pagmamalaki kong sambit.
"Itigil mo nga ang kahibangan mo, Zero. Mabuti pa at maglinis na tayo."
Parang wala talaga silang tiwala sa'kin. Ha! Isa yata akong taong hindi marunong sumuko kaya nga nakulong ako at napunta dito. Tingnan lang natin, ako pa. Itinabi ko ang malalaking sanga na nahulog galing sa mga puno. Nagkataon din kasi kagabi na malakas ang ulan at hangin kaya mas nadagdagan ang lilinisin.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...