Epilogue

259 15 6
                                    

Hindi ako nagtungo sa huling paglilitis sa aming kaso, na ngayon lalabas kung ano ang desisyon ng korte. Kahit ano pa naman ang magiging resulta ay hindi maibabalik ang buhay na nawala at naiwan.

Sa tatlong taon na dumaan siya lang ang nasa aking isipan. Ngunit ng malaman ko na tinungo na ng mga awtoridad ang isla ay hindi siya nakita. Marami ring nahukay na mga kalansay doon sa pag-iimbestiga ng mga pulis. Napag-alamandin na illegal pala ang bilibid na iyon. Hindi ito nakalista sa mga pagmamay-ari ng pamahalaan at walang mga politikong umamin.

Ang tanging naiwan nalang sa'kin ay ang kwintas na ginawa ko sa bilibid na para sa kaniya na kahit saglit man lang ay di niya nasuot.

Tahimik na ang buhay namin, ang iba bagong kasal o may anak na. Ang di lang nagbago ang hari ng mga Pirata. Di ko na siya nakita at ang huli ay noong iniwan nila kami sa islang tinirhan namin ng dalawang taon bago dumating ang sinasabing tao na tinutukoy ni Boss. Bumalik narin ang tiwala nila sa'kin at huminga pa ng ilang sorry si Twenty. Kahit alam na namin ang totoo naming mga pangalan ay di parin mawala ang numerong pangalan ng bawat isa. Kahit ano pa atang gawin namin para kalimutan ang nakaraan at nakatatak na ata ito sa aming alimpatakan.

Si Six may anak na, at sa walang iba kundi si Mary ang ina. Di ko akalain na magiging lalaki iyon. May tao talagang magbabago dahil sa pag-ibig. Maniniwala ba kayong siya ang make-up artist sa asawa niya. Nakakabakla man tingnan pero ang cool sa mata ng iba.  Si Twelve at Thirteen, may stable na trabaho na at pamilya din. Masaya na ang buhay nila ngunit ako yata ang napag-iwanan na hinahabol parin ako ng nakaraan na palagi kong napapanaginipan. Lalo na ang kaniyang mukha. Kung paano siya naiwan sa nakakatakot na isla na iyon.

Isa na akong trainer ng mga sundalo at pulis sa isang academy. Yung pamilya ko ay nalaman ko nalang na wala na sila, pinatay na noong pag-alis ko para makulong sa isla. May pera, bahay, sasakyan at materyal na bagay na ang pagmamay-ari ko, pamilya nalang ang kulang na hanggang ngayon hinahanap ko pa.

Ang kaliwa kong braso may artificial na na kamay na gawa sa platinum, minsan nga ay napagkakamalan pa akong robot kaya kadalasan nagsusuot nalang ako ng gloves. Sa lahat ng nangyari at naranasan naming lahat, kahit isa nun ay wala akong pinagsisihan sapagkat sa paraang iyon pala makikilala ko ang babaeng kay tigas pa ng bato ang puso na pinasan na ata ang buong mundo.

Sa huling mga salitang binitawan niya doon ko napagtanto na ang matigas niyang puso napalambot ng isang presong tulad ko. "Mas mahal kita." Ang salitang binulong niya sa hangin pero damang-dama ko kung paano bumuka ang kaniyang bibig psra ipaalam ang kaniyang nararadaman. Di ko man nalaman ang totoo niyang pangalan na nakakapanghinayang na sana sa huling hantungan ko man lang ay makilala ang totoong siya. Hindi nangpapaggap, hindi pinuno ng bilibid kundi ang buong siya.

Isang tawag ang nagpatauhan sa'kin.
"Hello, Twenty napatawag ka?"

"Walanghiya ka, espesyal na araw ito ng lahat pero di ka man lang sumipot. Nais ko lang ipaalam sayo na nanalo tayo sa kaso! Sa wakas dama ko na, namalaya na tayo!" Ngumiti ako ng mapait.

"Mabuti naman!"

"Kaya umalis ka na diyan sa kinauupuan mo at magtungo ka na sa bahay at doon tayo magsaya."

"Paano mo nalaman na nakaupo ako?"

"Sasagutin ko pa ba yan Zero?"

"Wag na baka ipagmalaki mo pa instict mo."

"Sige, hihintayin ka namin dito."

Pagbaba ng tawag ay inayos ko muna ang gamit bago umalis. Ngunit bumukas ang pinto at iniluwa ang aking seretarya. "Sir may sulat po kayo. Pinapaabot ng babae."
Ibinigay niya sa'kin ang sulat na kaniyang tinutukoy. Ngunit walang nakasulat na kanino galing. Sinenyasan ko siyang lumabas na. Binuksan ko ang sobre at inilabas ang sulat.

___________________________

Zero,

How are you?
Tatlong taon na din noong huli nagtama ang ating mga mata.
Tatlong taon na din na di kita nakita.

Masaya ako at naging matagumpay ang lahat ng plano at ngayon ay nagpapasalamat ako at kayo'y nanalo sa kaso. Nandoon ako ngunit anino mo ay di man lang sumipot. Kitang-kita ang saya ng bawat isa na matagal ko ng hindi nakikita. Lahat sila ay nakalimot na, sa kabila ng lahat ng karanasan nakatayo at lumalaban sa bagong yugto mg kanilang buhay.

Lumipas man ang panahon pero meron paring mga taong nakakulong sa nakaraan, tulad ko at ikaw. Pareho parin tayong mga preso ng nakaraan na pinipilit na nais balikan ang mapait na nakaraan. Sapagkat may sinimulang hindi pa natutuldukan.
Kaya dapat na natin itong wakasan para pareho tayong makalaya sa nakaraan.

Nais kong humingi ng tawad sa lahat ng sakit na akong naibigay sayo, lahat ng sigaw at masasakit na salita na nabitawan ko. Sa kabila ng lahat ng aking nagawa. Kahit anong tulak ko palayo sayo, para kang linta kung makadikit. Pinatawad at ipinakita mo sa'kin kung gaano ka kaseryoso sa iyong nararamdaman. Salamat sa pagmamahal na iyong pinaramdam, ngunit nais ko mang suklian ito ngunit hanggang dito lang ang dapat kong ibigay sayo.

May pagmamahalan na dapat mong isakripisyo, na balikbaliktarin man ang mundo ay hindi dapat maging tayo. Kung sa math pa tangent line tayo, nagkakilala pero sa oras na maghiwalay ay wala ng pangalawang pagkakataon pa. Isang pagkakataon lang ang meron tayo at yun ay matagal ng tapos. Sana maintindihan mo na hindi tayo para sa isa't-isa na ako'y bahagi lang ng iyong nakaraan pero hindi para sa kasalukuyan at sa hinaharap. Hindi lahat ng past mananatili hanggang dulo dahil bawat pangungusap ay may tuldok gayundin ang tayo.

Oo, minahal kita. Mas minahal pa kita kaysa sa iba. Oo, naging duwag ako, natakot na magsakripisyo para makasama ka. Oo, mas pinili ko ang kaligtasan mo kaysa ipagpilitan ang bagay na alam ko namang hindi magtatagal hanggang dulo. Oo, sinaktan kita ng ilang ulit pero iyon lang ang paraan para tumigil ang kahibangan mo dahil yun lang ang tanging paraan para mabuhay ka hanggang dulo.

Thank you for the temporary love that I felt for you. The experienced that I will never forget and being part of my past that help me to live. Nais kong maging masaya ka kaya ipalaya mo na ang iyong sarili. I want you to be happy and never wait for me because I will never be back again. I will never be your last. Find the woman who can stay at your side. A woman that can serve you. A woman that will never be your tangent line, a line that will stay at your side. I hope that, as you go out to your office a big smile will plaster in your face. A smile of true happiness and contented.

I'm alive and breathing.

Don't look back and look forward, stay on the path to your success. Don't try to find me, because I'm someone who loves to hide and hard to find. I wish you good luck and goodbye. Always remember that I love you secretly but I want you to be happy with someone who can stay beside you until the end.

Boss

_________

Napatahimik ako ng matapos basahin ang sulat niya. Maybe she's right, we are not meant to each other. She's just a woman to my past and not in my future.

I can't promise to find someone to fulfill the emptiness inside me. Because as what I said I'm stick to one and she's the one I love until my last breath.

*********************
The End

THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon