"Zero, nakabalik na sila!" Nang narinig ko iyon ay dali-dali kaming pumasok ni Twenty sa itim na pinto at nagtungo sa opisina ni Boss. Di na kami nag-abala pang kumatok at diretsong pumasok. Sinalubong kami ng rifle na diretsong nakatutok sa'min.
Wala sa oras kaming napataas ng kamay. "Bakit kayo nandito?"
Di ko alam kung sasagot pa ba ako kung nakatutok talaga sa'kin ang baril habang nililinis niya."Alam na naming may food shortage na nangyayari kaya nangangaso kayo para matustusan ang pangangailangan namin."
Si Twenty na ang sumagot."Ano naman kung alam niyo na?"
Ibinaba na niya ang rifle na napaluwag sa aking paghinga."Gusto naming tumulong at malaman kung bakit hindi pa dumadating ang mga pagkain at supplies. Nabalitaan mo naman diba na may nagkakasakit na. Sinundan pa ni Six ngayon."
Bumuntong hininga siya bago kami senyasan na umupo sa harap ng kaniyang mesa."Kayo talaga lima ang mga usesero sa lahat mga preso lalo na kayong dalawa." Ngumiti lang kami ni Twenty di alam kung compliment ba iyon o insulto. Tatanungin ko nalang mamaya si Twenty siya naman ang psychologist.
"Di na tayo sinusuportahan ng gobyerno." Pareho kaming nagulat sa diretso niyang siwalat. "Isang buwan ng tumigil sila sa pag-uusap sa'kin sa mga pangangailangan dito. Tinatawagan ko sila ngunit hindi naman sinasagot. Pinatungo ko pabalik ng Pilipinas ang head ng guards ngunit doon na nga sinabing titigil na sila. Sa tingin ko naman alam niyo na ang dahilan." Napayuko ako sa paliwanag ni Boss.
"Dahil ba mga kriminal kami kaya wala ng karapatang mabuhay."
Nakita kung paano napakuyom si Twenty sa kaniyang kamay."Ano ang gagawin natin ngayon?"tanong ko. Kung wala ng suporta baka hindi matapos ang taon abandonado na ang islang ito.
"Ang una naming plano babalik tayong lahat sa Pilipinas ngunit di inaasahang bawal tayong bumalik."
Sobra naman ang ginawa nilang pahirap."Wala na bang ibang paraan?"
"Meron pa, ang mabuhay tayo sa sariling sikap at yan ang ginagawa namin ngayon. Nangangaso sa gubat para may makain tayong lahat."
"Pwede kaming tumulong," suwestiyon ko. Ngunit umiling naman siya gaya ng dati.
"Ako ang madadale niyan, isa pa baka tumakas kayo na hindi namin namamalayan." Nagtitigan kami ni Twenty. Paano kami makakatakas kung ang isla ay nababalutan ng malaking pader.
"Wala po ba kayong tiwala sa'min."
Tumaas bigla ang kaniyang kilay."Sa iba oo, ngunit hindi sa mga taong nagbalak na tumakas? Malaking hindi." Double meaning yun, parang pinatatamaan ako noong unang araw ko dito.
"Pwede namang piliin niyo lang ang isasama niyo sa pangangaso." Napalakpak ako sa tuwa sa magandang naisip ni Twenty.
"Pag-iisipan ko." Ngumiti kami sa isa't-isa ni Twenty na may pag-asa na pumayag si Boss.
Sa paglipas ng araw ay napilitan nalang siyang pumayag sa binigay naming suwestiyon para makatulong narin. Ngunit hindi man lang niya ako pinili para isa sa sumama sa pangangaso.
"Matagal pa ba sila?"
"Malamang, marami silang papakainin. Alam mo bang mahirap mangaso?" Ang sarap suntukin ni Five kung hindi lang siya nagkasakit malamang sinuntok ko siya sa mukha, pampawala ng frustration.
Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad, for pete sake hating gabi na ngunit hindi parin sila bumabalik.
Limang tao ang sinama nila sina Thirteen, Twenty, Thirty, Four at Thirty-five.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Детектив / ТриллерA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...