Chapter 17

120 11 0
                                    

Mas lalo pang lumala ang pagpapahirap nila sa'min. Nasundan pa ng ilang bugbog at pasa. Hindi rin mahagilap si Boss na mas ikinabahala ko. Inilipat kami sa isang bahagi ng gusali kung saan pinagsama-sama kaming lahat sa iisang malaking silid. Walang kama at nasa lapag lang kami natutulog. Walang wastong palikuran at mas malala mainit. Malaki narin ang nabawas na timbang sa'kin at ang iba.

"Kailan ba ito matatapos?" Rinig kong tanong sa kabilang gilid na nagkukumpulang preso. Ang isang linggon pananatili ay malapit ng mag-isang buwan.

"Kung mamamatay na tayong lahat," sagot naman ng isa.

Biglang bumukas ang pinto kaya't lahat ng atensyon ay napunta doon
Hinihintay kung sino ang dumating.
Pumasok ang Heneral na may nakakalokong ngiti. Isa-isa niya kaming tinitigan hanggang tinuro niya ang isang tao sa kanang bahagi si Twenty-eight.

"Sumama ka sa'kin." Naghunos dili pa ito kung susunod ngunit hinila na siya ng mga marino at sapilitang pinalabas. Muling tumahimik ang paligid ng sila'y umalis. Ngunit...

"Ahhh!"

Isang sigaw ang nakapatayo sa aming lahat. "Sigurado akong kay Twenty-eight iyan." Ano naman kaya ang ginagawa nila?
Sinundan pa ito ng ilang sigaw at muling tumahimik ang paligid.Walang nagsalita, walang nagtanong at sa halip ay tahimik nalang na napaiyak.

Muling bumukas ang pinto, kung kanina ay kay linis ang suot niyang magarang damit ngunit ngayon ay nababalot na ito ng dugo. Muling naghanap ng bagong papatayin ang isang leyon na tulad niya. Hanggang magtama ang aming tingin. Kahit hindi makikita sa kaniyang mukha ang isang ngiti alam ko kung gaano siya kasaya sa kaniyang mga mata pa lamang.

"Zero." Tumayo ako, kahit mahigpit na hinawakan ni Thirteen ng laylayan aking damit para ako'y pigilan.

"Bitawan mo ako Thirteen, sisiguraduhin kong hindi ito ang huli nating pagkikita."

"Zero, wag kang sumama." Napalingon ako sa gawi ni Twenty ng sinabi niya iyon.

"I'm too powerless to fight them back but I'm too strong to find a way to survive." Diretso akong naglakad papalabas habang hawak ng dalawang marino. Piniringan nila ang aking mata, pinosasan ang dalawa kong kamay.

Ramdam ko na papasok kami sa lugar kung saan nila winawakasan ang buhay ng isang preso, ang torture room. Pagpasok ko palang maaamoy agad ang masangsang at bagong dugo. Di ko man nakikita alam kong nababalot ang buong silid ng dugo.

Pinahiga nila at katiting na galaw ay aking naririnig kahit ang kanilang mga paa na naglalakad. Ang mga weapon na nakalatag sa tray. Muli kong naalala ang parusa na aking nakuha ng pumasok ako sa itim na pinto noon.

"Mamimili ba ako ng bagay na magwawakas sa'kin?" At malakas na tawa ang umalingaw-ngaw.

"Akala mo ba ganyan kami? We are different, dinadaan namin sa santong paspasan." Naramdaman ko paglapat niya ng patalim sa aking leeg.

"Ito ang unang titikim ng dugo mo."
Sinubukan kong makawala sa mahigpit na pagkatali nila sa aking kamay ngunit hindi ata simpleng pantali ang ginamit. Kahit anong likot ng aking kamay ay hindi man lang lumuwag ng kahit konti.

"Saan kaya ako magsisimula?" Saad ng isang boses. Sinubukan kang igalaw ang aking paa ngunit hindi rin pala nila tinanggal ang kadena. Ayaw kong magtapos nalang ng ganito ang buhay ko na hindi lumalaban. Muli kong sinubukang mawala.

"Kahit anong likot mo ay hindi ka makakawala." Nagsitawanan pa sila.

"Ahh, sa kamay mo nalang ako magsisimula, para makawala ka naman kahit papaano."

THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon