Nakatunga-nga lang kaming lahat. Walang magawa, may plano sana kaming tumungo sa greenhouse ngunit nakalock naman ang pinto.
"Masahiin mo ako diyan." Napalingon ako kinaroroonan ni Six na nakahiga sa mesa habang minamasahe ng kaniyang mga alalay. Huling araw na nila ngayon para pagsilbihan si Six, kaya todo utos ang bakla.
"Naaawa talaga ako sa kanila," sambit ni Twelve.
"Wala tayong magagawa masyadong malapit si Six kay Boss."
"Bakla kasi."
Kapag natutulog na si Six, nag-iiyakan ang mga alipin niya sa'min. Lalo na si Nineteen na naglaba sa mga nakakadiring underwear nito. May dugo pa siyang nakita sa laylayan ng panty nito. Ibang klase rin ang saltik ng isip ni Six. Saan kaya galing ang dugo? Hindi naman siya babae para magkaroon ng menstruation. Nagfefeeling babae naman.
"Maglaro tayo!" Napalingon kaming lahat kay Twenty na may ngiti sa labi at hawak ang isang kahon.
"Ano namang lalaruin natin?" tanong ng isa naming kasama.
Nilabas niya ang laman ng kahon. May chinese garter, jack stone at iba pang laruang pambata. Nagsimula kaming tumawa dahil sa naisip niya.
"Bakit? Ayaw niyo?"
"Sino ba ang maglalaro niyan? Matanda natayo para diyan," komento ni Thirty-five.
"Hindi na nga tayo bata pero pwede naman nating balikan ang nakaraan."
Aangal pa sana kami nang nilabas niya ang isang malaking tray ng letchong manok. Saan niya 'yan nakuha?
"Kung sino ang manalo may pagpagkakataon siyang kumuha ng isang kapirasong bahagi ng manok."
Nagkatinginan kami ni Thirteen at dali-daling lumapit kay Twenty. Matagal na rin noong huli akong kumain ng letchong manok. Sumunod narin ang iba at halatang takam na takam sa pagkain.
Marami kaming nilaro ngunit kahit isa doon wala akong napanalo. Hindi ako marunong sa jack stone, habang sa chinese garter naman hanggang leeg lang ako dahil sa taas ni Nineteen at Seventeen. Hindi makapaniwalang seven footer ang dalawa at dating basketbolista.
Ang magaling sa jack stone ay si Five hindi pa nga niya napapasa sa iba, kaya kanina pa nakasimangot si Thirteen na takam na takam ng mahawakan ang maliit na bola.Sa isang gilid may sariling pakulo si Six, nagbaraha sa larong unggoy-unggoyan at may twist pa. Kung sino ang matatalo papahiran ng uling sa mukha. Nakakaawa nga lang si Fourteen sa lahat ng preso siya ang pinakaputi at diyan pa siya naisipang sumali, goodluck nalang talaga. Ang letchong manok ay iilang parte nalang ang naiwan. Wala na talaga akong pag-asang manalo.
"Bakit ang bagsak ang balikat mo Zero?" Inakbayan ako ni Twelve ngunit dumapo ang tingin sa hawak niyang drumstick ng manok.
"Saan ka nanalo?"
"Daisy-apple." Daisy-apple? Anong klaseng laro yan?
"Anong laro yan?"
"Magbibilog kayo tapos ipatong patong ang dalawa niyong kamay sa magkabilang tabi. Habang kumakanta ay nagmomove ang clapping ng inyong kamay kung sino yung huling mag clap matapos ang kanta siya ang magbibigay ng topic, example pagkain edi siya ang magbibigay ng unang klase ng pagkain. Kung sino ang hindi magkakabigay, out na."
Ahh, gano'n pala yon. Parang mas madali sa lahat ng nadaanan kong laro.
Ang huling laro na naisipan nila ay sisirang bulaklak na saan ang magiging reyna ay si Six at kung sino ang matuturuan ay susundin niya ang iuutus ng reyna. Marami ang ayaw sumali lalo na at maraming maduming iniisip ang higad na 'yan ngunit ginamit ba naman niya si Twenty kaya napilitan nalang kaming sumali.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mistério / SuspenseA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...