Isang iyak ang nakapagising sa buong bilibid. Kinuha ko ang malapit na unan at tinakip sa aking tenga. Napaka-aga pa para magising. Ngunit mas lumakas ito.
Teka? Iyak ng bata? Napatayo ako sa aking higaan. Sigurado akong iyak ng bata ang ingay na 'yon. Paano naman magkakaroon ng bata dito? Dali-dali akong lumabas sa selda at naabutan ang lahat ng kasama kong nagkukumpulan. Sa aking paglapit nakita ko na si Six ang nasa gitna na may hawak na baby.
Baby! Saan yan nanggaling? Wag niyang sabihin? "Six, ama kana?"
Napalingon silang lahat sa'kin."Anong tingin mo sa'kin pumapatol sa babae? Lalake pa yata pwedeng-pwede." Kung hindi sa kaniya. Kanino?
"Saan galing yang bata?" Tinuro niya ang pinto papalabas.
"Pupuslit sana ako papalabas ng makita ko ito doon sa pinto." Sino naman kaya ang nag-iwan niyan doon?
Patuloy paring umiiyak ang bata."Six, patahimikin mo yan. Baka malintikan tayo ni Boss kapag narinig niya." Sumang-ayon naman kami sa sinabi ni Fourteen. Di pa naman sound proof ang opisina ni Boss. Di rin iyon mahilig sa maingay.
"Di ko nga alam, kanina ko pa henehele di parin."
"Akin na nga" Inabot niya ito kay Twenty ngunit mas lalo pa itong umiiyak.
"Baka nagugutom, padedein mo Six." Sabay-sabay kaming napatawa sa malaking biro ni Five.
"Wala kasi akong gatas." Tinaas niya pa ang ang kaniyang damit at ipinakita sa'min ang nakakadiring pagpisil niya sa kaniyong suso, gross.
Pinagpasa-pasa nila ang baby ngunit wala paring epekto ang paghehele, kumanta na nga si Nineteen ngunit wala parin. "Patayin nalang natin para tumahimik," binatukan ni Twenty si Sixteen.
"Baliw! Nakakulong ka na nga may balak ka pang pumatay ng baby. Gusto mo atang kahit kabaong mo may rehas parin."
"Nag-suggest lang naman," napasimangot na sabi niya habang hinihimas-himas ang ulo.
"Oh Zero ikaw naman ang humawak." Iaabot sana ni Thirty-four ang bata sa'kin ngunit mabilis akong umatras. Buong buhay ko hindi pa ako nakakahawak ng baby. Di rin ako marunong humawak. Paano nalang kung mabali ko ang buto? Halata pa namang wala pa itong isang buwan.
"Baka mahulog ko ang bata."
"Ang O.A mo. Nangangalay narin ang mga braso ko. Yung tenga ko namamaga na sa ingay ng pag-iyak nito."
"Bahala ka, ibalik mo nalang kay Six siya naman ang nakakita."
"Hoy Zero, gusto mong sipain ko ang gitna mo? Bilis kunin mo ang bata!" Napasimangot nalang ako habang inaabot ni Thirty-four sa'kin ang baby.
"Wala akong kasalanan kapag nahulog ang baby ha?" Inirapan lang ako ni Six. Nanginginig pa ang kamay ko habang mahinang henehele ang bata.
"Tumigil na ang pag-iyak." Tumigil na nga.
"Zero, ikaw lang pala ang magpapatahan niyan." Ano bang meron sa batang ito at sa'kin pa talaga tumahan?
"Ang choosy ni Baby, gusto niya gwapo ang hahawak sa kaniya."
Masamang lumingon ang lahat kay Six."Sinasabi mo rin na pangit kami, ganun?"
"Oo." Walang katakot-takot si Six at sumagot pa talaga.
"Pangit rin naman siya dahil hindi rin tumahan ang baby nung henehele niya. Isa pa nagsimula lang namang umiyak ito ng makita si Six diba?" Nag-apir sila at pinagkaisahan si Six na ngayon ay inis na inis na.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...