"Ang bilis maka recover ha!" Sinalubong ako ng mga kasama kong preso. Kakalabas ko lang sa clinic sa ilang araw na pinatili doon.
"Malamang malakas kaya to." Itinaas ko ang aking braso ang pinakita ang malaki kong muscle.
"Baka naman hindi gamot ang nagpagaling sayo?" Taas-baba ang kilay ni Twenty.
"Ulol!" Tumawa lang siya ng malakas.
"Wag masyadong defensive, nagpapahalata ka naman masyado."
"Pag-ibig yan ni Boss!" Nag-apir sila habang pinagkakaisahan ako, mga walangya! Sana pala nanatili pa ako ng matagal sa clinic. Si Six kasi kung makatulak sa akin paalis akala mong mas malala pa ang sakit. Sprain lang naman yung sa kaniya pero parang nasasarapan sa pag-aalaga ni Mary kaya nagpa-extend, ang landi talaga.
"Si Six, wala bang balak bumalik dito?" tanong ni Twenty.
"Di ko alam, baka ang sprain niya naging mas malala baka nagkaroon ng bone cancer."
"Baliw, dapat nga mas matagal kang manatili doon. Di pa masyadong naghihilom ang sugat mo. Siya simpleng sprain lang naman." Mahigad yun, malamang dumada moves yun kay Mary.
"Bahala siya sa buhay niya. Nasarapan siguro sa kama na nandoon." Ang sarap sabihin kay Twenty ang kalokohan ng ala-anak niya.
Bumukas ang itim na pinto at lumabas si Boss na may hawak na rifle sa kamay ay nakasabit sa kaniyang bewang ang mga bala.
"Twenty-three, Thirty, Fourteen, Nineteen at Thirty-five. Kayo ang makakasama namin sa pangangaso ngayon."bNapatalon sila sa tuwa at lumapit kay Boss. Di ako nagdalawang-isip na tinaas ang kamay. "May problema Zero?"Tinaasan niya ako ng kilay. Ang taray talaga niya sa'kin. Kung hindi ko lang narinig yung sinabi niya noong araw na yun malamang kay lalim pa ng kabaong ang galit ko sa kaniya.
"Pwede bang sumama?""Magaling ka na ba? Sa pagkaka-alam ko dumudugo pa yang sugat mo sa tiyan."
"Sige na Boss."
"Kung gusto mong mamatay ng maaga sabihin mo lang willing naman akong dalhin ka sa torture room." Napalunok ako ng marinig ang sinumpa kong kwarto, aish! Ang sama talaga niya.
Hinawakan ko ang parte ng aking sugat. "Ahh! Parang di pa gumagaling ang sugat ko. Sige Boss next time nalang." May papikit-pikit pa ako sa mata hanggang tuluyan na silang umalis.
Isang malakas na batok galing kay Twelve ang natanggap ko. "Anong kadramahan yan Zero. Gumagaya kana pala ngayon kay Six."
"Sinong hindi magdadadrama kong may balak siyang dalhin ako sa torture room."
"Naniwala ka naman?"
"Malamang oo, ang rami na kayang napatay nun."
"Baliw, sa ilang taon ko na dito, di ko pa nakitang may pinatay si Boss." Kumunot ang aking noo.
"Ulol ka ba? Yung piratang nahuli natin diba pinatay niya."
"Mas ulol ka di niya yun pinatay. Di nga niya tayo pinatay sa ilang pagkakamali na nagawa natin, lalo na ikaw. Yung magka jowang may anak. Pinatay ba niya? Diba hindi, kaya malakas ang kutob kong wala siyang kakayahang kumitil mg buhay." Oo nga noh? Pero kahit na.
"Paano mo nalaman na buhay sila?"
"Wala kana dun."
"Pero magiging Warden ba siya dito kung hindi niya kaya?" Napatahimik siya bigla, sus!
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...