Marahas kaming pinalabas bawat isa kunot noo kaming sumunod sa kanilang mga utos. Mababakas sa kanilang mga mukha ang galak na para sa'min ay hindi magandang senyales.
"Ano ang balak nila?" Napalingon ako at nasa aking tabi na pala si Twenty. Tanging kibit balikat lang ang tanging aking nasagot sa kaniya.
"Up!" Isang senyales ang napaalerto sa lahat ng sumigaw ang isa sa mga marino. Isang kilos na ikinaatras ng lahat nang sabay-sabay nilang tinutok ang kanilang mga hawak na baril sa'min. Doon ko lang napansin na pinalibutan na pala ang aming grupo. "Kung ayaw niyong sumunod ito ang magiging kahihinatnan niyo!"
Isang butok ang umalingaw-ngaw at sa isang iglap nakabulagta na si Five sa lupa. "Five!" Napapikit nalang ako ng mariin ng makita kung paano tumama ang bala sa kaniyang noo.
"Ngayon sino ang gustong sumunod?" Naging tikom ang bibig ng lahat. Napakuyom nalang ako habang nakatitig sa nakadilat na mata ng taong naging kaibigan ko na.
"Yan lang pala ang katapat niyo." Inikutan niya kami at pinukulan ng mapaglarong ngiti. "Kung hindi niyo pa ako nakilala ako lang naman ang kanang kamay ng Heneral." Nagtanong ba kami kung anong posisyon mo? Kung pwede lang yang isuntok sa mukha niya kanina ko pa ginawa. Para kahit papaano ay matauhan siya. Kanang kamay lang pala pero kung umasa parang kasing pantay na ng katungkulan ng Heneral.
"Ngayon, maghubad kayo!" Nagkatitigan kaming lahat, seryoso ba siya? Taglamig na at ramdam na ramdam ng bawat isa sa'min ang lamig ng hangin kahit may damit pa kaming suot. Ano nalang kung wala?
Ang lakas ng topak nila sa utak mas malala pa sa baliw na nasa mental."Ayaw niyo?" Kahit labag sa aming kalooban ay isa-isa naming hinubad ang aming damit na tanging saplot nalang ang naiwan. Ramdam na ng aking balat ang lamig ng hangin.
"Diba sabi namin hubad?" Napatingin ako sa ibaba kong saplot. Kahit ba naman ito ay tatanggalin. Sumunod nalang kami na sa huli ay wala ng katiting na damit at saplot ang naiwang nakasuot. Todo takip kami sa maseselang bahagi ng katawan. Di kayang makalingon at tumitig man lang sa aming mga katabi sa hiya.
Isa isa nilang kinuha ang mga damit at tinapon ito sa lupa. Ang iba pa ay pinunit nila ng walang kahirap-hirap. Napalingon kami sa taong may hawak na malaking lalagyan na pinaghihinalaan kong isa itong gasolina. Gamit yaon ay binuhos sa buntok naming damit.
"Magpaalam na kayo sa inyong mga damit sapagkat hindi niyo na maabutan pa ang paglubog ng araw." Nakangiti pang ipinakita ng kanang kamay ng Heneral ang hawak niyang layter at tinapon sa aming mga damit. Lumiyab ito ng lumiyab hanggang kumalat na.
"Wala na ang inyong mga damit, simulan na natin ang mga bagay na ikakamatay niyo isa-isa." Binuhusan kami ng malamig na tubig.
****! Wala talaga silang konsensiya! Mga walangya!
"Ngayon, sa isang kilometro para marating ang gilid ng pader, nakakalat doon ang naglalaking bato na kailangan niyong isampa. Iikutan niyo ang buong isla pabalik dito, ang sinong hindi makakabalik bago lumubog ang araw, ay matutulad sa lalaking iyan." Napatingin kaming lahat kay Five na may bahid na pangamba. Sa laki ng isla ay mahihirapan kaming makabalik sa tamang oras lalo na may dala kaming malaking bato.
"Simulan na natin!" Patakbo kaming nagtungo sa sinasabi niyang lugar kung nasaan ang bato. Hirap na hirap kaming naglakad lalo na wala ring kaming suot na sapatos o tsinelas man lang. Kakasimula palang ay may sugat na ang aming mga paa sa matutulis na bato at sanga na aming nadadaanan.
Nakakalat ang mga marino sa bawat kanto at isang maling galaw lang maaari nila kaming putukan ng baril.
Kinuha ko ang isang bato kahit pahirapan ang pagsampa ko nito sa aking likod. Nagsimula kaming naglakad ng paunti-unti. Sinabayan pa ng sikat ng araw at hapdi ng mga preskong mga sugat. Di ko matantiya kung ilang kilo ang bigat ng aming dala. Kung nauna lang sana ako malamang hindi masyadong mabigat ang papas-anin ko. Parang nawala na sa aking isipan ang pagiging hubad na tanging iniisip lang maikot at makabalik sa bilibid.

BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...