Isang marahas na pagyugyog ang nagpagising sa'kin. "Ano?" Napilitan akong ibuka ang mata ko at una kong nakita ang mukha ni Five na hindi mapakali.
"Kanina pa kita ginigising!"Masama niya akong tinapunan ng tingin.
"Ano ang kailan mo?"
"Alam mo ba kung nasaan sina Thirteen, Twelve at Six?" Nang marinig kong ang tatlong pangalan ay mabilis pa sa alas kwatro akong napatayo sa higaan at tumakbo palabas para magtungo sa selda nila.
Ngunit kahit anino ay hindi ko mahagilap. Nakatingin narin sa'kin ang iba na parang ako ang makakasagot bakit wala ang tatlo. Napakuyom ako ng kamao.
Muli kong naalala ang nangyari kagabi. Matapos ang pagkakita kay Warden ay pinapasok na niya ako sa selda at hindi na ako nakaangal pa.Napasapo ako sa aking mukha.Aish!
"Zero, alam mo ba nasaan sila?"
"May hinala lang ako."
"Nakita niyo ba ang Warden?"
"Hindi pa naman siya dumadating matapos ilibing si Fifteen," giit ni Fourteen.
"Dumating na siya." Naglakad ako papalapit sa itim na pinto. Hinawakan ako ni Five sa braso para pigilan.
"Anong gagawin mo?"
"Kakausapin siya?"
"Baliw ka ba? Bawal tayong kumatok o humawak lang diyan."
Inalis ko ang kaniyang kamay. "Huwag mo akong pigilan, buhay ang nakataya dito." Napaatras siya at tinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko.
Marahas kong kinatok ang itim na pinto at hindi alintana ang kinakabahang mukha ng mga kasama ko. Kung kaya ko pang isalba ang buhay ng tatlo gagawin ko.
"Zero, ayusin mo ang katok."
"Zero, itigil mo nalang 'yan."
"Kami ang kinakabahan sayo, kaya huwag mo nalang ituloy ang binabalak mo."
Wala siyang awa. Kahit maganda siya sa paningin ko hindi ko siya papalagpasin. Kung may magagawa pa ako, hindi ako magdadalawang-isip. Sapat na ang nangyari noon para lumaban ako ngayon. Kaya kong pumatay muli kung kinakailangan.
Bumukas ang pinto, walang emosyong mukha ni Boss ang sumalubong sa'kin. "Hindi mo ba alam ang magiging parusa sa ginagawa mo?" Umalingaw-ngaw ang nakakapangilabot niyang boses.
"Nasaan sila?" Kumunot ang kaniyang noo sa tanong ko.
"Sino?" Kwenelyuhan ko siya at idinikit sa pader.
"Zero!"
Hindi ko pinansin ang mga boses ng mga kasama kong preso.
Walang gana niya akong tinitigan na parang isa akong taong pinakabobong nakilala niya. "Kung gagawa ka ng ganitong bagay pag-isipan mo ng mabuti dahil wala sa bokabularyo ko ang awa."
Sa isang iglap ay sinuntok at sinipa niya ako ng ubod ng lakas. Napahiga ako sa sahig at napaubo mg dugo.
Aish! Saan siya nakakuha ng gano'n kalakas na suntok? Babae ba talaga siya? Baka naman transgender siya kaya naging panlabas babae.
Napangisi ako ng mapait. "Nasaan ang sila Thirteen, Twelve at Six?"
"Ahh, ang tatlong daga pala ang tinutukoy mo?"
Kung kaya ko lang siyang saktan sa tono ng kaniyang boses. Napahawak ako sa tiyan dahil sa sakit ng ginawa niya. Bigla niyang hinila ang kwelyo ng aking damit at marahas na pinasok sa itim na pinto. Napalingon ako sa mga kasama kong preso nakita ko ang kanilang mukha na puno ng pag-aalala bago tuluyang sumara ang pinto.

BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Misterio / SuspensoA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...