Narinig ko ang pagbukas ng pinto at iniluwa ang nagbabantay sa'kin."Pinapatawag ka." Nilapitan niya ako at tiningnan ang posas sa aking kamay at paa bago ako hinila papalabas patungo sa itim na pinto
"Pumasok ka diyan, at magtungo sa greenhouse at doon mo siya makikita."Pinihit ko ang ang siradura at malayang nagtungo sa greenhouse. Walang nagbabantay mula dito. Sino ba ang taong gusto akong makausap? Sa ganito pa talagang oras. Di niya ba alam kung paano matulog, ala-una na ng madaling araw may gana pa siyang magchikahan.
Pagpasok ko ay sinalubong agad ako ng sariwang hangin at magandang kadiliman. "Kung sino ka man, ano ang kailangan mo?"Isang papalapit na yabag sa mga tuyong dahon ang maririnig. Nang makita ko ang kaniyang anino, hanggang makita ko kung sino ito.
"Ano ang nais mo at pinatawag ako?" Sinipsip muna niya ang hawak na tobacco sa kaliwang kamay at malayang ibinuga ang usok. Kay tanda na niyayakap parin ang bisyo sa paninigarilyo.
"Gusto lang kitang ikamusta ng ilang buwan kitang hindi nakita matapos ang sikretong paglilitis sayo." Kunot noo akong napatitig sa kaniyang mata na napakapamilyar.
"Di kita kilala."
Isang mahinang tawa na nanggagaling sa kaniya. "Ang bilis mo naman atang makalimot, nagkaroon kalang ng kaibigang mga preso. Di ko ata alam na makakalimot ka pala sa oras na makapasok dito." Di ko siya maintindihan.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Isang pagkasa ng gatilyo ang aking narinig at ramdam kung paano nakatutok ito sa aking direksyon.
"Matanda na nga ako ngunit hindi ako marunong makalimot lalo na sa mga taong mamamatay tao." Wow!
"Bakit ikaw hindi? Ang linis naman ng tingin mo sa sarili. Ano pala ang ginagawa mo ngayon sa'min? Paunti-unti kaming binabawasan sa paraang alam mong kami ay magdudusa. Hindi ba pagpatay ang ginagawa niyo?"
"Kailan man ay hindi ako magdadalawang-isip kung ang papatayin ko naman ay ang nagwakas ng buhay ng aking anak."
Hindi maaari...Muling naglaro ang isang alaala na binaon ko sa limot. Anak niya pala ang taong muntik ko nang patayin bilang isang private agent ng gobyerno, na naging dahilan kung bakit ako naikulong dito.
Flashback
"Ito ang unang pagkakataon na bibigyan ka namin ng misyon." Inabot ng lalake ang isang envelope. "Nandyan ang taong papatayin mo, nakalista narin kung saan mo siya wawakasan. Maasahan ka ba namin dito?" Mahina akong tumango.
Gustong kung umayaw ngunit sa oras na hindian ko ako ang papatayin nila. Dalawang taon palang ako sa kalakarang ito ngunit tanging pag-eespiya lang ang binibigay nilang misyon sa'kin. At ngayon pagpatay na ang gagawin ko?
Tuluyan na silang nawala sa dilim at tanging naiwan lang ang hawak kong envelope. Binuksan ko ito at inilabas ang larawan kung saan makikita ang isang lalakeng may maangas na mukha. Sa aking pagkakaalala ay mataas ang katungkulan niya sa pamahalaan at ngayon sarili niyang mga kasama ang magpapabagsak sa kaniya. Napakabata na pumasok sa politika at napakabata para wakasan ang buhay niya. Ganito na ba kadumi ang laro ng gobyerno?
Sa pagdating ng araw sa pagpatay, may bagay na pumipigil na ituloy ang balak nila. Ngunit hindi ko kayang pabayaan ang magulang kong naghihirap. Inayos ko ang sniper at punwesto na sakto sa bintana kung saan nanatili ang taong papatayin ko. Kakatapos lang ng kaniyang mahabang talumpati sa kaniyang mga suporta. Makikita sa loob kung ano ang kaniyang ginagawa.
Tiningnan ko ang hawak na larawan nakasulat sa likuran kung anong oras ko siya patatamaan sa ulo.
Ang kasalukuyang oras ay 10:26 pm dalawang minuto nalang ang nalalabi. Inayos ko ang aking pagkakapwesto at ikinasa ang sniper. Sinakto sa kaniyang ulo...
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...