Isang pagtapik ang nakapagising sa'kin. "Gising na," boses palang alam kong kay Mary iyon.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"Alad otso palang ng umaga. Kumain ka muna." Inilapag niya sa harap ko ang isang tray ng pagkain.
"Gising na ba siya?" Ibinaling ko ang aking tingin kay Boss. Wala na ang oxygen tank sa kaniyang tabi.
"Oo, kaninang madaling araw. Ikaw pa nga ang una niyang hinanap." Maniniwala na sana ako sa sinabi niya kung ako mismo ang nakakarinig nun.
"Mabuti naman kung ganun." Nilibot ko ang aking tingin sa buong silid ngunit walang anino man lang ng mga pirata.
"Nasaan ang mga pirata at ibang preso na galing sa underground?"
"Umalis kanina madaling araw para makapuslit sa kinaroroonan ng iyong mga kasama. Nababahala na nga kami sapagkat hindi pa sila bumabalik."
"Alam ba niya na umalis sila?" Tukoy ko kay Boss.
"Oo, siya pa nga ang nag-utos."
"Delikado kapag hindi pa sila makakabalik. Malamang marami ng bantay ang nakakalat sa paligid lalo na't alam nilang nakatakas ako kagabi."
"Uhmm," napalingon kami sa gawi ni Boss na gising na. Inalalayan siya ni Mary na makasandal sa dingding.
"Di kaba nahihilo?" Tanong nito at siya'y umiling. Tumingin siya sa'kin at kumaway ako ng konti.
"May gana ka pang kumaway kung isa mong kamay ay wala na," inismaran niya ako at nagsimulang kumain ng abutan siya ng isang plato ni Mary. Ang sama talaga ng ugali niya sa'kin. Parang ako lang ata ang palagi niyang nakikita. Ako kasi ang palaging napapagalitan.
"Di parin sila bumabalik?" Tanong niya kay Mary.
"Opo."
"Tanggalin mo yung dextrose at mga kung anong kinonekta niya sa'kin, susundan ko sila." Aaksyong tatayo na sana siya ng pigilan ni Mary.
"Di pa magaling ang sugat mo, konting galaw, bubuka yan. Mahina pa ang katawan mo." Walang atubiling inalis niya ang kamay nito sa kaniyang balikat.
"Kaya ko ang sarili ko." Mabilis akong tumayo at ako na mismo ang nagtulak sa kaniya pabalik sa pagkakahiga.
"Ang tigas din ng ulo mo, sabing magpahinga ka muna. Mas lalo mong pinapahamak ang iyong sarili. Sa oras na makita kitang tatayo diyan, ako mismo ang tatapos sayo!" Naging maamong tupa si Boss at hindi na umangal pa. Kilala na niya talaga ako, sa oras na ako'y magalit dapat makinig siya.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang mga taong kanina pa namin hinihintay. "Zero, buhay ka!" Patakbo akong nilapitan ng kasama kong preso at niyakap.
"Mabuti naman at nakatakas kayo."
"Mabuti rin na buhay ka pa," giit ni Twenty.
"Six." Natahimik ang lahat ng lumapit sa'min si Mary. Tinulak na agad ni Twelve si Six papalapit sa jowa niya.
"Wag niyo akong itulak, may paa ako." Nawala na talaga ng tuluyan ang mahigad niyang boses. Nagyakapan ang dalawa na akala mo'y parang nangibang bansa lang si Six. Iba talaga kapag mahal niyo ang isa't-isa.
"Kailangan ko rin atang maghanap ng jowa," biglang sambit ni Thirteen at nakatingin sa mga nurse. Iba rin trip ng lalakeng to.
"Humilera nga kayo, diyan para magamot namin kayo isa-isa," angal ng headnurse. Mabilis na humilera at isa-isang ginamot ang mga natamong sugat.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...