"Hay, natapos din." Sabay-sabay kaming napaupo sa damuhan. Habang nakangiting nakatingin sa greenhouse na sa wakas tapos na.
"Hindi ko akalain na ganito kaganda ang nagawa natin." Tumalon-talon pa si Six habang nilibot ang tingin sa buong greenhouse.
"Excited na akong maipakita ito kay Boss. Ilang araw din siyang hindi nagpakita dito."
Napasimangot ako bigla. Hindi na kasi siya nagtungo dito, parang siyang kabute na nawawala bigla. Hindi naman kami makabalik sa bilibid dahil nilagyan niya ng padlock ang pinto, naninigurado talag ang isang 'yon. Namiss ko na ang seryoso niyang mukhang walang kabuhay-buhay. Lalo na ang mapupula niyang labi at matinding irap. Sinimulan ko ng yakapin ang bawat irap niya, dahil pansin kong hindi naman niya ito ginagawa sa iba, sa'kin lang. Special kasi ako.
"Sana lumaki sila na hindi tulad natin na kailan man ay hindi na lalago."
Napalingon ako kay Twelve. Totoo nga ang sinabi niya, wala na kaming kalayaang lumaki at lumago dahil sa oras na ibinagsak na kami sa lupa hindi na kami muling makakabangon pa.
"Ipapakita ba natin ito sa iba?" tanong ni Thirteen.
"Wala namang sinabi si Boss na ganyan," saad ni Twenty
"Ang unfair naman, hindi nila makikita. Ang boring din kaya sa loob. Once a month lang tayong nakakalabas at makalanghap ng preskong hangin."
Tama nga naman si Six. Napatayo kami bigla nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dumating narin sa wakas ang taong kanina pa namin pinag-usapan.
"Natapos niyo na ba?"
As usual walang pinagbago, hindi parin ngumingiti. Mas matigas pa yata sa diamond ang heart niya, kainis.Sabay-sabay kaming sumaludo. "Yes,Boss."
"Mabuti naman."
Nilibot namin ang buong greenhouse at halatang na impress ang Warden dahil wala kaming narinig na masamang salitang lumabas sa kaniyang bibig. "Thirty-five, natanim na ba ang mga punla ng gulay na ibinigay ko sayo?"
"Opo, nasa huling huling hilera sila," sagot nito.
"Six!"
"Po?" Mabilis siyang lumapit sa tabi ni Boss.
"Ikaw ang aatasan kong mag-alaga ng gulay at ikaw rin ang aani nito."
"Wala pong problema."
"Zero!" Ako naman ang lumapit sa kaniya.
"Araw-araw didiligan mo sila."
"Walang problema," sabi ko at sumaludo pa sa kaniya. Kumindat pa nga ako pero binalewala lang, sakit.
"Ikaw naman Twenty ang maglalagay ng fertilizer sa mga halaman."
Nakahinga ako ng maluwag, akala ko kung ano namang panlalait at sigaw ang makukuha ko sa kaniya. Para kasing ako ang nakikita niyang parating may mali.
"Halina kayo, babalik na kayo sa selda. Bukas niyo na simulan ang inutos ko." Nagkatinginan kaming anim.
"Boss, hindi ba natin ipapakita sa mga kasama namin ang greenhouse?" Tumango-tango kami sa tapang na pagtanong ni Twelve.
"Sa susunod na natin ipakita sa lahat kapag nakapagpahinga na kayo ng maayos."
Ngumiti kami ng malawak, 'yon naman pala bibigyan niya kami ng pahinga. Tinahak namin ang pasilyo pabalik sa aming selda. Kinabahan pa nga kami dahil ilang araw din na hindi kami nakabalik. Hindi na ako magugulat kung ginawan na nila kami ng lapida sa sementeryo, pero huwag naman sana.
Paglabas namin sa itim na pinto, iba ang tumambad sa'min. Akala ko ay isang masarap na yakap at pagkakamusta ang aming maabutan.
Lahat sila at nakatalikod at taimtim na nagdadasal. May hawak pang mga kandila. Saan nila 'yan nakuha?
Anong nangyari?
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Misteri / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...