Nakatayo sa aming harapan si Boss na halatang hindi maganda ang ibabalita niya sa'min. "Noong nakaraan araw, nilason kayo ng isang pirata." Nagkatinginan at nagbulungan kami nang marinig 'yon. May pirata pa pala sa panahon ngayon?
"Hindi pang karaniwang pirata ang nakapasok sa'tin dahil sila ay wanted sa buong mundo. Iba't-ibang krimen ay ginagawa nila. At hindi inaasahang nakapasok sila na hindi namamalayan." Mas umingay ang paligid kaya hinampas ni Boss ang mesa. "Gumawa sila ng malaking butas para makapasok gamit ang moderno nilang kagamitan." Tinaas ni Four ang kaniyang kamay. "Four."
"Ano ang dahilan nila?"
"Nasa underground ang isa sa kanilang pinuno na nahuli limang taon na ang nakakaraan at gusto nila itong mailabas."
Paano nila nalaman na nandito ang pinuno nila?
"Hindi ko ito sinabi sa inyo ito, ngunit walang nakakaalam na may bilibid sa islang ito kahit ang ibang bansa."Naging maingay ang lahat at hindi makapaniwala. Tama nga ang hinala ko.
"Patawad at ngayon ko lang siniwalat ngunit ikakabuti niyo naman ito para maiwasan ang pagdating ng mga kaguluhan. Dinoble namin ang seguridad at sinisiguradong hindi na ito mauulit pa." Aalis na sana siya ng magsalita ako.
"Nahuli na ba ang may gawa?"
"Hindi pa, malaki ang posibilidad na nandito pa ang kanilang grupo sa isla ngunit nagtatago tulad ng isang daga."
Sa kapal ng bricks wall na nakapalibot sa buong isla ay walang kahirap-hirap nila itong nabutas. Sino kaya ang pinuno na nais nilang kunin?
Nagkumpulan ang lima sa selda ko. Parang mga walang selda at sinisiksik ang mga sarili dito sa'kin. "Ayaw ko pang mamatay." Madramang giit ni Six na sarap na sarap na humiga sa kama ko.
"Malaking problema naman ito kung sakaling maabot ito sa nakatataas." Napatitig ako kay Twenty sa binanggit niya. May nakakataas pa pala?
"Anong mangyayari kapag lumabas ang balitang ito sa kanila?"
"Malaking gulo ang mangyayari. Maaaring tutungon na naman sila dito at papahirapan tayo kasali ang lahat ng staffs at si Warden," paliwanag niya.
"Hindi naman yata yan makatarungan!" Napatayo na ako sa pagkakaupo. Walang sino mang makakahawak kahit sa isang hibla ni Boss, dadaan muna sila sa'kin.
"Matagal ng nangyari ang ganito sa bilibid ngunit parang mas malala ngayon."
"Naawa tuloy ako kay Beshie, papangit ang mukha niya dahil sa stress!"
"Beshie?" Sabay-sabay naming tanong.
"Oo, beshie ko siya. May angal?" Umiling nalang kami.
"Umasa nalang tayo na mahuli nila agad ang mga yun, di ko yata kayang maulit ang panlalason sa'tin. Paano nalang kaya kung mas malala pa sa lason ang ginawa nila sa'tin?" Saad ni Twelve.
"May magagawa ba tayo?" Lahat sila ay napatingin sa'kin.
Sabay-sabay kaming pumasok sa itim na pinto at tinungo ang opisina ni Boss ngunit wala siya doon. Naabutan na namin siya sa greenhouse na tahimik na naupo sa isang gilid.
"Beshie!" Walanghiya-hiyang lumapit ang higad sa kaniya at may payakap-yakap pa. Ngunit hindi man lang umangal si Boss.
"Gusto naming tumulong sa paghahanap sa kanila!" Proud na proud niyang sambit. Ngunit sinuntok lang siya nito sa mukha kaya napadapa siya sa damuhan.
"Ang sama mo beshie!"
"Hindi kayo pwedeng lumabas dito at tumulong sa paghahanap."
"Edi , dito kami maghahanap sa bilibid. Diba bawal pumasok dito ang mga tagabantay kung hindi naman emerhensiya kaya kami ang atasan mong maghanap sa kanila."
Napangiti kami kay Thirteen sa suwestiyon niya. Nag-apir kaming lima, ngunit di naman aakalaing suntok ang matatanggap namin.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...