Pagbukas ni Twenty sa pinto tumambad sa'min ang madilim at maliit na pasilyo na sa bawat gilid ay may mga selda. Ang kamay ng mga preso ay nakalabas at umaalingaw-ngaw ang mga sigaw nila.
"May bisita tayo!"
"Harangin niyo!"
"Makakapatay naman tayo!"
Sa'min ay malaya kaming nakakalabas ngunit sa kanila hanggang selda lang. Walang ilaw, nababalot ng kadiliman ang paligid at wala ring bintana.
"Ilabas ang flashlight," Mas naging malinaw ang paligid.
"Anong ginagawa niyo dito?"
Isang nakakapangilabot na boses ang nakatahimik sa mga preso. Ang kamay nilang nakalabas ay nawala na.
"May hinahanap kaming mga piratang nakapasok dito." Tumawa siya na parang isang kahibangan ang sinasabi namin.
"Swenerte ata silang nakapasok dito, pero hindi naman sila makakalabas ng buhay." Naglakad kami papalapit sa pinanggalingan ng boses kung saan nasa huling hilera ito ng mga selda sa gawing kaliwa.
"Sino ka?" Tanong ko.
"Ako lang naman ang sadya nila."
Nagkatinginan kaming lima. Mabuti naman at hindi pa siya natatagpuan ng mga pirata."Kami na ang magbabantay sa labas ni Thirteen." Tumango ako kay Twenty at naglakad sila papalabas.
"Halatang bagong salta ka dito ba."
Paano niya nalaman?"Pamilyar ang iyong mukha ngunit halatang bago ka palang." Narinig ko ang papalapit niyang hakbang hanggang sa tinapat ni Six ang dalawa niyang flashlight sa loob ng selda nito.
"Ahh, naalala na kita." Isang matanda na kasing taas ni Twenty ngunit mahaba ang buhok at balbas nito. Nakita ko ang ngiti niyang malawak.
"Ano ang kasalanan mo at naipatapon ka dito?" Napakuyom ang aking kamao.
"Wala ka ng pake doon."
"Isa ka rin ba sa mga taong trinaydor ng gobyerno?" Mas lalo akong nainis sa tabas ng kaniyang dila.
"Tumahimik ka."
"Bakit Zero takot ka bang malaman ng mga kasama mo ang totoo mong pagkatao?" Napatingin siya sa naimprentang name plate sa aking damit. Mula ng makapasok ako dito, ibinaon ko na sa limot ang nakaraan. Naramdaman ko rin ang titig ng aking mga kasama sa'kin.
"Tumahimik ka kung ayaw mong pasasabugin ko ang utak mo!" Tinutok ko sa kaniyang ang dalawa kong baril.
"Zero!" Hinawakan ni Twelve ang aking balikat ngunit tinabig ko lang ito.
"Ang init ng ulo mo Zero. Pero ikinagagalak kong naitapon ka rin dito. Tingnan natin kung saan ang hangganan ng buhay mo." Tumawa siya ng malakas at kaway sa'kin at muling nagtago sa sulok ng kaniyang selda.
"Wag niyo ng hanapin ang apat na piratang nakapasok. Kakagaling lang ng Warden dito at nahuli sila. Pinapagod niyo lang sa wala ang inyong sarili."
Umalis na rin kami agad doon at bumalik sa aming bilibid. Tinungo ko agad ang opisina ni Boss na primenteng nakaupo sa kaniyang upuan.
"Nahuli mo na pala di mo man lang pinaalam sa'min!" Naitapon ko sa kaniyang harapan ang mga armas na ipinahiram niya sa'min.
"Patawad nakalimutan." Napangisi ako ng mapait. Nakalimutan? Kalokohan. Padabog akong umalis at diretsong pumasok sa aking selda. Narinig ko pa ang pagtawag nila sa aking pangalan ngunit di ko binalingan ng tingin.
BINABASA MO ANG
THE ISLAND OF SINNERS (COMPLETED)
Mystery / ThrillerA prison island owned by the government where all convicts sentenced to a lifetime is imprisoned. Only a few know its existence and dare not to speak about it. It is located far away from the country. A high brick wall surrounds it, with no entrance...