CHAPTER 1 (PROLOGUE)

11.3K 181 11
                                    


PROLOGUE


Magkakabalikan pa kaya kami?

Gusto ko bumalik ang dating kami pero paano?

May nag-iba na! May asawa na siya at ako naman may anak na, na kami din ang gumawa!

Paano ko ipaglalaban na may karapatan pa rin ako sa kanya?

Paano ko sasabihin sa anak ko na si Bryan ang ama niya?

Paano na!?

(A/N: Hello po! Kaunti lang naman ang prologue nito but enjoy reading!)

CAST MEMBERS:

JOHN BRYAN MARK LEE

SHEENA ALLYSON

BRIX LIAM ALLYSON

NICKOLAS THRONE

SKY EUNICE CHAN

NOAH HANS PEREZ SEBASTIAN

 

©All rights reserved 2018-2020

Under Editing...

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


CHAPTER 1 - WHO'S MY DAD -

Dedicated to: @EricaShaneCarteciano


SHEENA'S POV

After 5 years...

"Mom!" Tawag sakin ng pinakama-mahal kong si Brix.

"Why? May sunog ba?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang sumimangot ang anak ko. Bakit naman?

"Mom, wala pong sunog, si Tito Nick po kasi inaaway ako!" Pagsusumbong niya sakin. Aba! Mga matatanda talaga pumapatol sa bata. Kainaman.

"Where's your Tito Nick?" Tanong ko sa kanya habang nakapameywang. Aba! Dapat kunwari galit na ina noh!

"Nandun po siya! Nagtatago!" Sabay turo ni baby Brix ko sa sofa. Siguro dun siya sa likod nagtatago. Agad kong pinuntahan si Chabs sa likod ng sofa. Habang sisilip palang ako, nakita ko siyang may hawak na ice cream sandwich alam mo ba 'yon?

"Hey chabs! What are you doing?" Nagulat naman siya kaya bigla siya napatigil sa pagkain ng ice cream sandwich. Agad naman niya itong itinago mula sa likuran niya.

"Why? Did I do something?" Sabi niya pa. Aba! Inagaw niya kaya sa anak ko yung ice cream sandwich na yon! Ang pagkakaalam ko pa nga ginawa ko yun kagabi pa, bago ako matulog ano!?

"Hayst, mga matatanda talaga. Inagaw mo kaya yan sa bata!" Sigaw ko sa kanya at bigla siya nagtakip ng magkabilang tenga niya.

"Mom! Inagaw niya sakin yung sandwich ko oh!" Biglang singit naman ni baby Brix ko! Ahhh~ ang cute talaga ng anak ko kapag papaiyak na.

"Anak, hayaan mo na lang sa kanya yan ha? Igagawa na lang kita ulit" Sabi ko at binuhat siya. Actually isang buwan na lang at papasok na ang anak ko sa school kaya kailangan maibili ko na siya ng gamit niya para sa school. Naglakad na ako papunta sa kusina at ibinaba ko na muna si baby Brix, baka kase umiyak na 'to hindi kasi siya nakatikim ng ginawa kong ice cream sandwich. Banaman kase si chabs na yun inagaw sa bata. Kahit kelan talaga isip-bata pa din. Ang tanda na ihhh!


"It's done baby! Pwede mo ng kainin!" masaya kong saad bago ibinigay sa kanya yung ice cream sandwich. Mabilis lang naman gumawa nung ice cream sandwich kukuha ka lang ng tinapay at ice cream tapos yung ice cream ipapalaman mo sa tinapay. Di ba may ice cream sandwich ka na!

"Nice Mom! It's so delicious hihi^__^" sabi niya at nagtatakbo papuntang sala's manonood siguro ng T.V. Naglakad ako papuntang sala's kaya nung nakita ko si chabs tinawag ko siya.

"Hey chabs! Come here!" Agad naman siyang lumapit sakin at nginitian ako.

"Why?" Sabi niya at umupo sa Sofa.

"Hmm... Baby Brix ko, can you please give some privacy from the two of us?" Tanong ko sa anak ko. At agad naman siyang lumapit sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Okay Mom! I'm going to sleep, goodnight!" Tapos naglakad na siya pero sinamaan niya ng tingin ang tito niyang si Chabs.

"Sleep well anak," Pahabol kong sabi sa kanya.

"Okay Mom! Same with the tw- - - you!" Hay naku! Hahaha... Talaga nga naman.

"Ayan kasi! Ikaw talaga chabs inagaw mo kasi sa kanya yan ehh! Yan tuloy galit sayo!" natatawa kong pag-sesermon sa kanya.

"Bakit mo nga ba ako gusto kausapin?" Ngayon nag-seryoso na siya.

"Tungkol sa pagbalik ko ulit sa Pilipinas," Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Bakit? Di ka na ba masaya dito?" Tanong niya sakin. Nabigla ako dahil tumaas ang boses niya.

"Bakit ano bang nasa isip mo? Ano ka ba chabs! May gagawin kaming Photoshoot sa Pilipinas. Itatanong ko lang sana kung gusto mo sumama?!" Ano bang nasa isip nito?

"Oo, sige! Sasama ako, pero napakaraming bansa kung saan pwedeng mag-photoshoot, bakit naman sa Pilipinas?" Biglang tanong niya.

"Sabi kasi ng Manager ko maganda daw ang tanawin doon, and for the photo shoot din. Wala naman akong magagawa kahit umaayaw pa ako." Panimula ko kaya naman tumango na lamang siya. Siguro, parte yun ng pagsang-ayon niya.

"Ano? Bilang sagot na ba yang ginagawa mong pagtango?" Sunod ko pang sabi kaya naman, tumango ulit siya.

"Okay! I'm going to rest now! Goodnight, chabs!" Sabi ko at naglakad na. Pero bigla niya hinawakan ang braso ko.

"What?" nagtatakang tanong ko. Pero bigla na lang nag-seryoso ang mukha niya.

"Are you sure na pupunta ka talaga sa Pilipinas? Paano kung magkita kayo ni—" bigla ko siyang pinahinto bago pa niya masabi ang pangalan ni Bryan.

"Stop!" Sabi ko. Bakit niya pa kasi pinapa-alala.

"What's the matter? That is not a big deal!" Sabi niya at biglang tumaas ang boses. Hayst. Di talaga nag-iisip ang isang 'to.

"Not a big deal? Di ka talaga nag-iisip! For your information Nickolas, paano kung marinig ka ni Brix? Anong ipapaliwanag ko sa kanya? Hay nako! Mind your words okay? Goodnight!" Pabulong na sabi ko kaya naman pabulong niya ding sinabi ang "I'm sorry" kaya naman naglakad na ako pataas at nang makapag-pahinga na. Pero dumaan muna ako sa kwaro ni Brix, tiningnan ko kung tulog na ba siya pero nabigla ako ng magsalita siya.

"Mom? Who's my Dad?" Sabi niya habang tulog. Hinalikan ko na lang siya sa noo at kinumutan siya. Bumalik na ako sa kwarto ko.

******

Humiga na ako sa kama. Hindi ko katabi si Brix ang anak ko. Sinasanay ko na kasi siyang mag-isa. Kahit na 5 years old lang siya, kailangan na niyang matutunan ang maging matapang. Pero biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Nick kanina. Bigla akong nabahala.

"Are you sure na pupunta ka talaga sa Pilipinas? Paano kung magkita kayo ni- - - -"

Yan ang unang sumagi sa isip ko! Paano nga kung magkita kami ni Bryan? Anong gagawin ko! Paano ko sasabihin kay Brix na si Bryan ang Papa niya?

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon