Dedicated to: @vienne_alaiza
Hindi ko maintindihan ang nangyayari sakin. Hindi naman ako ganito ahh... Bakit ba ang lakas pa rin ng tama ko kay Bryan? Kahit na anong gawin kong kalimutan siya, siya naman itong pinagtatagpo kami. Ano bang nangyayari sa mundong 'to? Kung sino pa yung ayaw mong makita, siya pa yung pinagkikita kayo!
Lalong bumibilis ang lakad ko. Hindi na y'ata ito lakad, takbo na y'ata ang ginagawa ko! Bakit ba ako nagkakaganito? Alam kong naka-move on na ako sa kanya. Pero bakit ang lakas pa rin ng epekto niya sakin?
Napatigil ako ng makita ko sa bench si Brix. Nagtatawanan silang mag-tito. Inayos ko ang tayo ko at pinahid ang luha sa gilid ng pisngi ko. Ngumiti ako at naglakad ng maayos papunta sa kanila.
"Oh? Ang saya-saya naman ng baby ko! O'eto na ang pagkain na'tin!" Sabi ko at binuhat si Brix. Inabot ko naman kay Nickolas ang tubig at paper bag na naglalaman ng burger. Biglang nag-vibrate ang phone sa bulsa ko.
________________________
From: Terence SisMs. Sheena, nasa parking lot ang sundo niyo. Ihahatid nila kayo dito sa Photoshoot natin. Si Terence 'to.
________________________Agad kong ibinulsa ang phone ko at tumingin kay Nickolas. Nakatingin pala siya sakin. "Sino yun?" Bigla niyang tanong. "Si Manager Kim nag-text, nandiyan na daw ang sundo na'tin!" Sabi ko at tumango na lang siya. Naglakad na kami palabas ng Airport na yun at tinungo ang Parking Lot, kung nasaan ang sundo namin.
"Hello, Ms. Sheena!" Sabi nang sumalubong sakin.
"Ako po yung driver niyo. Tara na po?" Ngumiti ako sa kanya at tinanguan. Tinulungan niya si Nickolas sa maleta niyang dala at kinuha naman sakin ni Nickolas si Brix.
"Mom! Can I eat this burger?" Sabi ni Brix. Kinuha ko ang paper bag at kinuha ng isang burger si Brix.
"Be careful, mainit pa!" Mahinahon kong sabi at tumango naman ang anak ko. Hinipan niya ito bago kinain. Ang masunurin talaga ng anak ko.
"Thanks Mom!" Sabi ni Brix. Pumasok na kami sa loob ng Van. Kalong-kalong ni Nickolas si Brix at ako naman kinukuha ng isa pang burger si Nick.
"Oh, Nick!" Sabay abot ko sa kanya ng burger.
"Thanks."
"No problem. Ikaw po Manong, gusto niyo po ba?" Alok ko kay Manong driver.
"Hindi po Ma'am! Busog pa po ako salamat."
"Naku, Manong! Pameryenda ko po sa inyo 'to hahaha!" Natawa naman siya sa sinabi ko at agad na ibinigay ko sa kanya ang isang paper bag.
"Salamat po Ma'am!" Sabi niya at nginitian ko na lang siya. Tahimik na nagda-drive si Manong at nakatulog na rin ang dalawa. Kulang pa ba ang naging tulog nila? Naku, kapag hindi pa lumaki si Brix eh ewan ko na lang.
Huminto kami sa isang hotel. Sinalubong kami ni Manager Kim. Bumaba ako sa Van at iniwan ang dalawa.
"Ms. Sheena!" Sabi ni Manager at niyakap ako. Niyakap ko din siya.
"Magaling ka na?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, maayos na naman ako! Hindi naman ako papabayaan ni Terence eh.." sabi niya.
"Where's Terence?" Tanong ko sa kanya.
"Pababa na yun, kausap kasi niya yung manager ng magiging partner mo sa photoshoot na gagawin natin, tara na!" Sabi ni Manager Kim at nauna nang pumasok sa loob ng hotel. Sumenyas muna ako kay Manager para tingnan ang dalawa.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Teen FictionMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.