"Mommy! I want Ice Cream Sandwich! Can you get me one please?." Sabi ni Brix habang nanonood kami ng TV.
"Anak, walang kasama si Mommy sa labas. And there a snatcher outdoor!?" Sabi ko at sumimangot na lamang siya.
Nakita ko namang pababa si Bryan ng hagdan. Saan siya pupunta?
"Sheena, samahan mo ko! Sabi mo tutulungan mo ako di ba?" Sabi niya at ngumiti sakin. Napatingin naman ako kay Brix na ngiting-ngiti.
"Mom! Tapos buy na rin po kayo ng Ice cream!" Sabi niya kaya tumango na lang ako.
"YEHEY! Thanks Mom!" Sabi ni Brix kaya tumayo na ako sa pagkakaupo sa sofa at kinuha na ang mask at shades ko. Lumapit na ako kay Bryan.
"Para saan yung jacket?" Tanong ko sa kanya at ngumiti naman siya.
"Ito yung ipapakita natin sa pulis." Sabi niya at ngumiti naman ako. Grabe di siya tumitigil hangga't hindi nahahanap si Sheena gayong nasa tabi na nga niya ako.
"Pwede bang kahit hindi na lang sa mga pulis?" Tanong ko nang siyang sumeryoso ang mukha at tumingin sakin ng diretso.
"H-hindi pwede. Paano ko siya mahahanap kung hindi ako magpapatulong di ba?" Sabi niya at sumakay na sa driver's seat ako naman sumakay na sa passenger's seat.
"A-ah.. oo nga." Sabi ko at pinaandar na niya ang sasakyan. Bakit pa kasi ako tumatahimik? Pwede naman na sabihin ko na ngayon di ba? Para hindi ko na siya pahirapan! Ayoko siyang makitang nahihirapan sa paghahanap sakin pero... may isa akong kalaban at siya ay si Sky.
Nagpunta kami sa pulis at lahat sila nakatingin sa akin. Nakakatakot pero siguro naninibago lang sila kasi may kasamang model si Bryan.
"E-ehem!" Nagulat ako sa malakas na gawa ni Bryan na yun.
"Chief, pakisabi sa mga kapulisan niyo ay masigawa na at wag titigan ang kasama ko." Bulong ni Bryan sa kanina niya pang kausap na pulis.
"Back to your work!" Sigaw ni Chief at nagsi-saludo sa kanya ang lahat. Grabe parang may pagnanasa sila sakin. Nakakatakot!
"Gagawin po namin lahat Mr. Bryan na mahanap ang babaeng ito. Tsaka si Sheena Allyson yan di ba?" Narinig kong bulong niya kay Bryan.
"Ms. Sheena? Can I take a picture with you? Ipapakita ko lang sa mga anak ko!" Sabi niya at ngumiti sakin. Tumango na lang ako at tinanggal ang mask at shades ko. Kita ko naman ang gulat ng lahat ng nandito sa loob.
"Hala! Pre! Si Sheena! Siya di ba yung sikat na model? Aba't ang ganda nga sa personal" sabi nung isa sa kasamahan. Ngumiti na lang ako sa kanila at sila naman ay nag-wave. Grabe! Dami ko pala fans!
Kinuha na ni Chief ang cellphone niya at nagpa-picture sakin at kay Bryan. Bago parehas na kami piniktsuran ni Chief na kasama siya.
"Wait." Sabi niya pagkatapos ng piktsuran naming tatlo. Tiningnan niya ang picture namin at kinuha niya ang folder na ewan.
"Bakit parang kahawig niyo y'ata itong si Sheena Perez, Ms. Sheena! At magkapangalan pa po talaga kayo?" Sabi niya at tumingin sakin. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Nako! Baka malaman na nila!
"Hmm... Malayo naman po Chief!" Sabi ni Bryan. Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Tumango naman si Chief kay Bryan.
"Hindi naman po sa nangengealam Mr. Bryan pero parang kahawig po talaga ni Ms. Sheena ang syota niyong si Sheena Perez!" Sabi niya at napakamot pa sa batok. Bakit ba pinagpipilitan ni Chief na kahawig ko si Sheena Perez ehh ako nga yun! Atsaka hindi kahawig kung 'di kamukha!
"O'sige na po chief! Kahawig na po kung kahawig! Matahimik lang po itong si Bryan!" Singit ko. Napahawak naman siya nang ulo niya at tumango na lang.
"Sige po Chief! Babalik na lang po kami tommorow!" Sabi niya at kinuha ang folder na hawak niya.
Tumingin sakin si Bryan at ngumiti sakin.
"Oo nga pala, nag-text sakin si Direk kanina na bukas ng umaga may meeting tayo para sa gagawing movie." Sabi niya at pinagbuksan ako ng pintuan ng kotse.
"Ah-hh ang aga naman pala. Sige sabay na lang tayo tommorow." Sabi ko at tumingin sa kanya na kakapasok lang sa loob nitong kotse.
"Sabay naman talaga tayo ehh, iisang bahay lang tayong dalawa nakatira di ba?" Nagulat ako sa sinabi niya. Parang automatic na nag-blush ang pisngi ko.
"Ayt. Nagpapabili si Brix ng ice cream kaya daan muna tayo diyan sa may ice cream parlor." Pag-iiba ko na lang sa usapan. Baka saan pa mapunta eh! Gosh.
Bumaba na ako ng sasakyan pagkatigil namin dito sa may tapat ng ice cream parlor. Nagsitinginan pa ang lahat sa pagpasok ko at halata sa mga mukha nila ang pagkagulat. Ano ba yan? Kahit pa naman dito pagkakaguluhan na naman ang kagandahan ko? Bwahaha charing...
"W-what's y-your order Ma'am!?" Sabi nang katapat kong babae. Kinakabahan siya? Hala! Hindi ko naman siya kakainin susko!
"One chocolate ice cream please, yung nasa lalagyanan na" sabi ko at ngumiti sa kanya. Dali-dali naman niyang kinuha ang in-order ko. Naku! Baka madulas siya!
"Hmm.. miss, pwede namang hindi ka na magmadali kaya ko naman mag-wait ehh... Just calm down." Sabi ko at huminahon naman siya, sa tingin ko?
"Ito na po Ma'am! Hmm... Pwede po bang magpa-picture?" Tanong niya at inabot sakin ang ice cream na nasa lalagyan. Tumango ako at napatalon naman siya at dali-daling nagpa-picture sakin. Pagkatapos niya, nakita ko yung ibang customers na magpapa-picture din kaya pumayag na lang ako.
Halos 20 minutes ako sa loob ng ice cream parlor. Lumabas na ako at nagba-bye sa kanila. Ang laki naman ng mga ngiti nila nang bumalik na sila sa pagkain nila.
"Grabe ang tagal mo sa loob ahh... Iba na talaga kapag sikat!" Sabi ni Bryan pagkapasok ko pa lang sa loob ng sasakyan niya. Hinampas ko naman ang braso niya at tumawa na lang kami parehas.
"Akala mo naman! Ganyan ka kaya din dati kasi sikat ka sa school tapos pinagka-guluhan ka pa nang mga schoolmates natin!? HAHAHA!" sabi ko habang natatawa pa. Tumingin ako sa kanya at dun lang ako natauhan! Sht! Nadulas na naman ba ako sa mga sinabi ko? Paktay na!
"What do you mean schoolmates?" Napatanong siya bigla! Haaaaayyy nakoooo! Sabi na nga ba! Dapat mag-ingat sa mga sinasabi kasi pangatlo ko na yang clue sa kanya!
"H-huh?! Ha-ha-ha wag mo na lang pansinin sinabi ko. Uwi na tayo at hinihintay na rin ito ni Brix." Tinuro ko naman ang dala kong ice cream at tumango na lang siya at nginitian ako bago pinaandar ang sasakyan.
Hay, muntik na ako dun! Mabuti na lang at slow si Bryan! Hahaha..
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Teen FictionMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.