Chapter 44 Real Daddy

2.4K 42 1
                                    

"Welcome Home!" Nagimbal ang kaluluwa ko ng makita ko sila na may hawak na isang firecracker na ang nilalabas ay punung-puno ng makukulay na papel, bigla na lang ako natawa dahil sa inasta ni Nickolas.

"Shit! Sira ba 'to?" Pagkatapos ay itinapat niya sa mukha niya yung firecracker at sumabog ito sa kanya.

"HAHAHA!!!" tawa naming lahat sa kanya.

"Bwisit! Ibabalik ko 'to sa pinagkuhanan ko!" Nagulat kami ng bigla siya nag-walk out at lumabas ng bahay ni Bryan. Nagkatinginan kami ni Bryan at saka humarap sa kanila.

"Ano..okay na ba yung sugat mo Sheena?" Napalingon naman ako sa kinaroroonan ni Tiana ang manager ko. Naramdaman ko naman ang pag-akbay sakin ni Bryan kaya napatingin ako sa kanya.

"Thanks for wasting time to welcome me here.." sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Ano ka ba naman! Hindi nakaaaksaya yun ng oras!" Agad na humawak sakin ang masayang si Shane.

"Shane! Ikaw kamusta ka na? Okay na ba yung nabaril sayo? Halos mag-alala kami sayo nung nataranta si Nickolas!" Nag-aalala ko namang sagot sa kanya at hinawakan ang mukha niya.

"I'll sure you I'm fine." Sagot naman ni Shane dahilan para mapangiti ako.

"Hmm..guys, please allow her to take a rest muna, masyado kasi siyang napagod ehh baka maapektuhan pa yung sugat niya." Singit naman ni Bryan kaya agad na nagsitanguan ang lahat bilang pagsang-ayon sa kanya.

"You need to take a rest muna Ms. Sheena, kami kasi ni Clinton aasikasuhin pa namin yung pelikula niyong dalawa," saad naman ni Tiana na bumalik na ulit ang trabaho bilang isang manager ko.

"Thank you Manager.." sabay naming sabi ni Bryan kaya ngumiti muna sila bago naglakad na papunta sa pinto at umalis na. Napatingin naman kami kay Shane na nakatitig pa rin sa'min.

"Ako mauna na rin ako, si Nickolas kasi baka maghasik yun ng lagim sa pinagkuhanan namin ng firecracker kanina ehh," natawa na lang ako sa sinabi ni Shane.

"Wait..si Brix ba nasaan?" Tanong ko bigla ng maalala ang anak ko.

"Nandun siya sa kwarto sa taas, nakatulog kasi kakahintay sa pagdating mo," sabi niya kaya napatango na lang ako. Nagpatuloy na siya sa paglalakad at umalis na. Humarap ako kay Bryan at ngayon nakangiti na siya sakin.

"Pwede bang puntahan ko muna si Brix bago ako magpahinga?"

"Of course! Tara na," napangiti na lang ako kaya sinimulan na niya ako alalayan paakyat ng hagdan habang nakapulupot ang kanang braso niya sa bewang ko.

"Na-miss ko dito, alam mo ba nung sinabi mo na dito kami manirahan kasama mo, kinabahan ako ng sobra! Akala ko kasi may hinala ka na bukod sa name ko." Pagbasag ko sa nakakailang na katahimikang namamayani sa'ming dalawa ngayon. Patuloy lang kami sa paglalakad paakyat ng hagdan habang inaalalayan niya pa rin ako.

"At least hindi nga ako nagkamali hindi ba?" Dahil sa sinabi niya bigla ako napatigil.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

"Wala, I mean hindi nga ako nagkamali sayo..I mean base pa lang sa pangalan mo at sa birthday, dun ko binase lahat kaya nga kita kinulit di ba?" Huminga muna siya nang malalim bago muling nagsalita.

"And besides, sa mga kilos mo. Akala mo ba hindi ko nahahalata yung mga sinasabi mo sakin na kunwari nakikila ba kita, tapos bigla ka na lang mag-iiba ng topic." Sabi niya at muling ngumiti sakin. Natawa na lang ako sa kanya.

"So noon talagang may hinala ka na?"

"Oo naman!" Napahawak na lang ako sa sintido ko dahil sa sinabi niya. Jusko! Bakit niya naman ako pinahirapan na alalahanin niya lahat ng punagsamahan namin!? Ehh..may hinala na naman siya pala!

"Let's go na." sabi ko kaya nagpatuloy na kami sa pag-akyat. At nang narating na namin ang pintuan nang kwarto ay humiwalay na muna ako sa pagkakahawak niya sakin.

"Ano aangal?!" Sita ko kaagad sa kanya bago pa niya tuluyang makapagsalita. Nakita ko ang pag-iling niya kaya ngumiti na lang ako sa kanya at hinawakan ang doorknob nitong pinto. Dahan-dahan ko itong binuksan hanggang sa makita si Brix na mahimbing na ang tulog.

Naglakad ako papalapit sa kanya at kasunod ko naman si Bryan papasok. Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan ang anak ko.

"Akalain mo yun, after a long years ago heto, nagkakilala na kayo. Alam mo ba nung nalaman ko na nagkakilala kayo dun sa park, nagulat talaga ako at halos sumabog na ang puso ko..." Hindi ko napigilan na mapangiti at tuluyan na bumagsak ang luha ko sa saya.

"Kahit na nagulat, nananatili naman dun ang saya dahil nung sinabi mismo ni Brix ang salitang gusto ka niya maging daddy, hindi mo alam kung gaano ko gusto pumayag ng mga araw na yun. Kasi ang tagal kong pinagdasal sa diyos na magkitang muli kayo ng anak ko at makita niya ang tunay niyang daddy..nasasaktan ako dahil pinilit kong itago sa kanya ang katotohanan na ikaw ang real dad niya. Pero...gusto ko na malaman na niya ngayon," napatingin ako kay Bryan ng hawakan niya ang kamay ko.

"Okay lang naman, tama naman ang desisyon mo. Okay na yung unti-untiin muna natin ang lahat para hindi mahirapan ang bata na tanggapin niya ito," sabi ni Bryan kaya ngumiting muli ako sa kanya.

"Thank you.." bulong ko kaya ngumiti din siya sakin.

"So real daddy ko po talaga si daddy ko, Mom?" Nagulat ako at biglang napatingin kay Brix na mulat na at nakangiti sa'ming dalawa ni Bryan.

"Yes ‘nak, sorry kung ngayon ko lang nasabi sayo, 'wag ka sana magtampo sakin" hinawakan ko ang ulo niya at umupo naman siya.

"Edi okay po! May complete family na rin ako! Sa wakas! Yey!" Nagulat ako sa biglaang pagtayo ni Brix at nagtatalon sa kama.

"Kaya po pala ang gaan ng loob ko sa inyo daddy ko nung una pa lang po kita nakita," sabi ni Brix at lumapit sa'min at niyakap ako ng mahigpit bago kumalas at niyakap din si Bryan.

"Thanks po Mom kasi sinabi niyo po sakin ang totoo! Basta ako po ang ring bearer sa kasal niyo po!" Nagtawanan na lang kaming lahat at nagyakapan dahil salamat. Complete na nga ang family namin. Sa wakas!



***

Claire'a note: Share your thoughts about all chapters you read?

Use this hashtag: #AAKAB2 or #AngAsawaKongArtistaB2 in twitter and my IG to share your feedback. (Para mabasa ko rin) :)

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon