Nakalabas na kami ng hospital at thank god kasi wala nang mga media sa labas."Paano kung sa bahay ko na lang kayo Sheena?" Sabi ni Bryan habang nagda-drive. Ihahatid na daw niya kami.
"Bakit naman?" Tanong ko. Nakita ko siya na nakangiti ngayon.
"Para may kasama naman ako sa bahay na yun." Sabi niya at tiningnan ako ng saglitan bago humarap sa daan.
"Hindi pwede." Sabi ko at tiningnan siya.
"Bakit naman?" Sabi niya.
"Kasi baka dumating ang asawa mo, mapagkamalan pa kami na katulong hahaha." Sabi ko. Bigla naman nagseryoso ang mukha ni Bryan na talagang ikinatahimik ko.
"Artista at model ka di ba? Bakit ka naman niya mapagkakamalan na katulong? At isa pa, bukod ang bahay ko sa bahay na tinutuluyan naming dalawa." Sabi niya at hindi na siya nakangiti ngayon.
"Oo, pero hindi mo kasi masyado kilala si Sky." Sabi ko. Tumingin na lang ako sa bintana. Nakita ko sa gilid ng mata ko ang nakatingin na si Bryan.
"What do you mean na hindi ko kilala si Sky? Why? Kilala mo ba siya?" Nagulat naman ako sa sinabi niya at napatingin ako sa kanya. Anong gagawin ko?
"A-ahh.. Nakaaway ko kasi siya at sa tingin ko ay wala siyang pinagka-iba sa mga bumangga sa akin dati na gusto akong sabunutan." Sabi ko at tumingin na siya sa daan.
"Bakit naman?" Tanong niya ulit.
"Actually, hindi naman sa naging kaaway. Para ako lang yung natamaan sa ginawa niya sakin." Sabi ko at itinigil niya ang sasakyan dito sa may gilid ng daan. Mabuti nga at hindi nakamalay si Nickolas at Brix kasi tulog sila.
"Ano ba ginawa niya sayo?" Tanong niya ulit sakin. Eh.. kase natatandaan mo pa ba yung nangyari sa hospital ng ma-comatose si Bryan?
"Wala. Ayoko ng ibalik baka umiyak lang ako dito pero ang mahalaga nandito na siya sa tabi ko at sana tuloy-tuloy na ang samahan namin." Sabi ko. Pangalawa ko na yang clues na binibigay sa kanya. Sana maintindihan niya.
"Sino ba tinutukoy mo?" Sabi niya. Actually tanong yun ehh.. pero hindi ko naman pwedeng sabihin na siya yung tinutukoy ko di ba?
"Ang anak ko." Sabi ko at tumango na lang siya. Pinaandar na niya ulit ang kotse niya at tahimik lang siya sa pagda-drive. Sobrang lalim y'ata ng iniisip niya kaya di ko na inabala. Sumandal na lang ako at tumingin sa may bintana. Iiidlip ko na lang muna ang mga sinabi ko sa kanya.
SKY'S POV
Mahigit 2 weeks nang hindi umuuwi ang asawa ko! Saan ba kasi yung nasusuot? Hayst!
kring... kring...
Tumunog ang cellphone ko at nakita ko na unknown number iyon. What the hell! Who's this?
"Who's this!" I shout.
(Hello friend! Why don't you to open your t.v and watch news?) - sabi niya sa kabilang linya. This is my friend and I'm saying that plastic lang ang tingin ko sa kanya. She's like a trash can! Basura!
I ended up the call at sinunod ang sinabi niya. Binuksan ko ang television.
Breaking news:
This is a trending video from the Philippines facebook, Bryan Lee and Sheena Allyson have a secret relationship? Or a friendly hug from the both each other?
And the question is...what is he doing on the hospital? Why Bryan hug Sheena Allyson from the hospital? What about Sky Eunice Chan, wife of Bryan Lee?
We have a more questions about the video we see on the monitor! If Bryan and Sheena watch this news, can you please say the truth about the both of you?-------
"SHIT!!!!" Nanginginig ako at parang hindi makahinga. T*ngina! Inaahas ako ni Sheena! Naghihiganti na siya sakin! At inaagaw na niya sakin si Bryan!
Dapat na ba akong kumilos? What the hell! I need to make a plan. I need to kill Sheena! I want her to be a poor woman!
"Tama! Kailangan ko munang gumawa ng plano bago ko si Bryan agawin. Humanda ka Sheena, I will make sure na hindi na kayo magkikita pa!"
SHEENA'S POV
Nagising na lang ako sa paghinto nitong sinasakyan namin. Nagulat ako dahil hindi kami tumigil sa isang hotel! Kung 'di sa bahay ni Bryan???
"Welcome to my house Sheena! I want you to be here. And of course Brix." sabi niya at tinanggal ang seatbelt niya. Ano bang pinagsasa-sabi niya? Kinakabahan ako! Tumingin ako sa backseat at wala na dun ang dalawa. ANO?
"Mom! Wake up! Nandito po tayo sa bahay ni Daddy!" Sabi ni Brix at sabik na sabik siya na makita ang bahay ni Bryan. Pero...tama ba ang narinig ko? Daddy? Wala na akong nagawa kundi ang lumabas na lang sa sasakyan.
"Mom! Look this! A waterfalls!" Sabi ng anak ko na excited na excited sa mga nakikita niya. Bakit 'di ko to napansin nung pumunta kami dito?
"Be careful baka madapa ka!" Sabi ko. Tatawa-tawa lang si Nickolas dahil sa ginagawa niyang paghabol kay Brix. Lumapit naman sakin si Bryan at sinabayan ako sa paglalakad.
"What do you think? Alam ko na nadala na kita dito pero mukhang masaya dito si Brix" sabi niya at tumingin naman ako sa kanya nang diretso.
"B-baka nga..." Sabi ko naman. Ayoko talaga siya makasama lalo na at dito pa sa bahay niya! Baka mapagkamalan pa kami dito!
"Ayos ka lang ba? Mukhang bad mood ka dito!" Sabi niya at tumingin naman ako sa kanya. Bakit naman siya malungkot?
"H-hindi ahh..nakakahiya lang kasi. Alam mo naman dati na shy ako sa ganito di ba?" Sabi ko. Ooooppps! Nadulas ba ako? Hala! Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagtataka. Lagot.
"Di ba? A-ano kasi, nakakahiya talaga sayo." Sabi ko at ngumiti naman siya. Mabuti na lang at hindi niya pinansin ang sinabi ko.
"Wag ka na mahiya. Ako naman ang nag-imbita sa inyo na dito kayo tumuloy di ba? Don't worry." Sabi niya at nauna nang pumasok sa loob ng bahay. Paano kung biglang sumulpot dito si Sky at makita niya kami na nandito? Siguradong maghihinala siya.
Sumunod na ako na pumasok sa loob at nakita ko na nanonood na agad si Brix nang cartoons. Katabi naman niya si Nickolas na nagse-cellphone.
"Pasensiya na sa inasal ng dalawa." Sabi ko kay Bryan na tinitingnan din si Brix.
"It's okay. Basta ipagluto mo ako mamaya." Sabi niya at nakita ko ang pagngisi niya. Paktay. Hindi ako marunong sa kusina. Sa aming tatlo si Nickolas lang ang marunong magluto.
"Bakit?" Tanong niya at agad naman akong natauhan.
"W-wala. Si-sige ako na ang bahala." Sabi ko at nagtataka na siya sa kinikilos ko. Hay nako!
"Tara sa taas at ipapakita ko na ang kwarto niyo." Sabi niya at tumango naman ako. Nauna siya maglakad at ako naman ay sumunod lang sa kanya.
"I have an 5 rooms. Ito yung room ko." Tinuro niya sakin ang isang pinto na nasa gitna. Paligid nito ang magkabilaang room. Lumapit na kami sa may kanang room.
"Dito na lang si Brix at ikaw. Si Nickolas naman sa tapat." Sabi niya at tumango na lang ako. Pumasok ako sa room na malapit sa kwarto niya yung sa kanan. May Aircon, flat screen TV, may desktop, bookshelves, may malaking kama at sa gilid nito ang balcony. Ang sosyal pero siya lang mag-isa sa bahay na 'to eh.
"Thanks for-------" naputol ang sasabihin ko dahil bigla siya nagsalita.
"Wag ka magpasalamat dahil gusto ko na dito na muna kayo tumira. Di ba sabi mo tutulungan mo ako hanapin si Sheena?" Nagulat ako sa ekspresyon ng mukha niya. Bigla siya nag-seryoso, pati ang pananalita niya. Tumango na lang ako.
"At malapit na rin ang shooting ni direk para sa movie natin di ba? Kaya pwede muna kayo dito dahil magka-trabaho na tayo." Sabi niya at ngumiti. Naloloka na ako!
Paano ko siya tutulungan na hanapin si Sheena na ako na nga itong nasa harapan niya! At isa pa, magka-sama na kami sa iisang bahay. Gosh!
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Teen FictionMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.