Sheena's Pov
Pagkatapos ng nangyari kanina, dumiretso ako sa ilalim ng puno malapit dito. Gustong-gusto ko umiyak ngayon.
Kinuha ko ang cellphone ko bago ko tinawagan ang number ni...err Sky. Baliw na babae.
(Good to heard you crying) teka...paano niya nalaman na umiiyak ako ngayon?
"Ano? Are you happy?! Ibalik mo na sakin ang anak ko at ipapaubaya ko na siya sayo" mariin at seryoso kong sabi. Kapag hindi siya tumupad sa usapan naming dalawa, siguradong magsisisi siya.
(Hahaha tutupad naman ako sa pinag-usapan natin, basta ba kapag naibalik ko na sayo ng buhay ang anak mo ay lubayan niyo na kami) rinig ko kung paano lambingin ni Sky ang cellphone niya. Rinig na rinig ko kung paano siya tumawa ng mahina. Ano mahinhin lang talaga o sadyang siraulo?
"Oo," sabi ko at bigla na lang niya ibinaba ang tawag. At nakita ang biglang pag-vibrate ng cellphone.
‘One new message’
Agad ko iyong pinindot at binasa ang isang message mula kay Sky.
From: +63912*******
Ibinalik ko na ang anak mo sa dati kong pinagkuhanan sa kanya. Good to talk to you nicely Sheena Perez.
Dali-dali akong napatayo at tumakbo papunta sa may tabi ng highway. Kailangan kong makauwi ngayon.
To: Manager Kim
Tiana, kailangan ko ng umuwi, pakisabi na lang kay Direk.
Pumara na ako ng taxi at nagpahatid ng Airport.
"Manong pakibilisan po, emergency lang." Nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya gulat na gulat.
"Kayo di ba po si Sheena Allyson? Jusko idol na idol kayo ng panganay na anak ko at ang bunso ko." Tuwang-tuwa niyang sabi. Napatawa naman ako ng marahan sa sinabi niya.
"May camera po ba kayo? Picture po ba? Hehe." Hays kung kailan nagmamadali tsaka may fans pa ako. Pero okay lang.
"Pwede po ba, hindi ba ako nakakaistorbo?" Sagot niya kaya natawa naman ako.
"Nagmamadali po ako pero pwede niyo naman akong abalahin." Sabi ko at saka nilabas ang phone ko. Nilagay ko iyon sa camera bago ako kumuha ng captured pic namin ni Manong.
"Naku, maraming salamat po."
"Bigay niyo na lang ho sakin ang cellphone niyo bago ko ipasa yung pic natin at maipakita niyo na sa mga anak niyo." Tumango naman si Manong bago niya kinuha at ibinigay sakin ang cellphone na gamit niya. Touchscreen ito pero marami ng gasgas. Pagka-open ko, nakita ko ang wallpaper niya. Asawa, at dalawang anak na babae ang naka-wallpaper dito.
Napangiti na lang ako ng palihim. Ang swerte niya dahil buo at masaya ang pamilya niya. Kami? Ewan.
Pinaandar na ni Manong ang taxi bago ko pinasa lahat ng picture namin dalawa.
***
Nakarating na din kami dito sa Airport medyo natagalan ng konti pero sakto lang ang oras dahil kakaalis pa lang ng isang eroplano papuntang Laguna, next flight ay papuntang Maynila.
"Thank you po Manong, kung sakaling kailangan niyo ng tulong ko..." Ibinigay ko ang business card ko, kung nasaan ang number ko dahil ako ang nagmana ang company at lahat ng mana ni Mommy and Daddy ko. Sakin na pinaubaya ni Daddy ang kumpanya niya bago siya namatay noon. "...pwede niyo po akong tawagan kung gusto niyo ng panibagong job para mas lalong umunlad kayo" ngumiti ako bago ako naglakad papasok ng Airport.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Novela JuvenilMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.