Kinaumagahan. Nagising ako at wala na si Brix sa tabi ko. Siguro kanina pa yun gising kasi bagong bahay na naman siya nakapunta. Tumayo na ako at nag-shower. Babalik ako sa condo namin para kuhanin lahat ng gamit naming naiwan.
"Good Morning!" Sabi ko sa kanila pagkatapos ko gawin lahat at nagulat na lang ako ng makita lahat ng gamit namin sa living room???
"Good Morning Mommy!" Sigaw ni Brix at biglang niyakap ako.
"B-bakit nandito lahat ng gamit natin anak? Sino ang nagpakuha?" Tanong ko sa anak ko. Ngumiti naman siya at hinila ako papuntang labas.
"Si Daddy Bryan po ang nag-asikaso Mom!" Sabi niya at tumakbo papalapit kay Bryan. Nakita ko siyang napalingon sa akin at ngumiti.
"Good Morning. Ako na ang nag-asikaso ng lahat ng gamit niyo. Kasi alam kong tutulungan mo ako." Sabi niya at kumindat sa akin. Hala!
"A-ah... Ano ba nangyari sayo at napaka-good mood mo ngayon Bryan?" Tanong ko sa kanya at ngumiti na lang siya.
"Maganda kasi yung panaginip ko. At hindi ko makakalimutan yun! Hindi ko man nakita ang mukha niya, okay lang basta nahalikan ko siya." Sabi niya at nauna pumasok sa loob. I CAN'T BELIEVE THIS! Sa tingin niya panaginip lang ang lahat? Omg! Halos umiyak nga ako ng umiyak kasi lumuhod siya sa harapan ko na para lang ipakita ang mukha ko. Oo, alam kong lasing siya pero 'di ko pa rin malilimutan ang pag-iyak niya nang ganun na tagos sa puso ko.
"A-ahh... G-ganun ba? And who's the one in your dream?" I said. Pagkapasok ko sa loob ng bahay.
"I think it's Sheena. I heard her voice and I know that's she is," sabi niya at nginitian ako.
"A-ah..ganun ba? M-mabuti naman hehe.." sabi ko at dumiretso ng kusina. Nagulat na lang ako ng may biglang humawak sa braso ko. Si Bryan.
"B-bakit?" Tanong ko. Bakit ba nauutal ako?
"Hmm... Ikaw ba naghatid sakin sa kwarto kagabi?" Sabi niya. Bigla naman akong kinabahan sa tanong niya! Grabe!
"Uh O-oo, kasi naglasing ka at natumba ka. Nanonood kasi ako nun ng TV ng may narinig akong nabasag kaya pinuntahan kita." Sabi ko at grabe kabang-kaba na ako dito!
"Ay, thanks but..paano mo ako nabuhat?" Sabi niya at nakita ko ang pagngisi niya. Hala siya!
"Hindi! Nagkamalay ka lang nun at naglakad ka naman! Hindi kita binuhat noh!" Sabi ko at hinampas ang braso niya at kunwaring tumawa ako.
"Ahh... Hahaha, thank you." Sabi niya at kumuha ng hotdog sa ref. Lulutuin niya siguro.
"Hmm..kahit ako na lang ang magluto niyan?" Sabi ko at lumapit sa kanya. Kailangan kong magluto, kapalit ng pagtira namin dito di ba?
"Are you sure?" Sabi niya. Bakit parang nagtataka siya? Tumango na lang ako bilang sagot.
"Okay." Sabi niya at ibinigay sa akin ang hawak niyang hotdog. Binuksan ko na ang gasul bago ko pinihit ang parang buton, basta yun na yun at umapoy naman. Kumuha ako ng kawali at tyansi.
Grabe! Kinakabahan ako. Nakatitig kasi siya sa mga ginagawa ko! Para akong nag-aaral ng T.L.E! Hayst.
Nilagyan ko na nang mantika at pina-init yun. Napatingin naman ako kay Bryan. Nakatingin lang siya sa ginagawa ko. Omg!
"B-bakit ka ba nakatitig ng ganyan?" Napatanong ako bigla.
"Wala. Marunong ka ba talaga?" Tanong niya sakin. Naku! Paano ko sasabihin na hindi ako marunong ehh... Nakapag-luto na naman ako nito... Ang kaso sunog lang.
"Ahh..Oo marunong naman ako kahit papaano!" Sabi ko at ngumiti naman siya.
"Okay. Papanoodin na muna kita." Sabi niya at tumingin sa kawali. Mainit na ang mantika at inilagay ko na ang mga hotdog. Nanginginig ang kamay ko susko!
"Pasmado ka ba? Bakit ka nanginginig?" Nabigla ako sa tanong niya. Grabe na 'to!
"H-hindi sadyang kinakabahan lang ako, baka kasi matalsikan ako ng mantika." Sabi ko. Nauutal pa nga.
"Halika. Dapat kalma lang." Sabi niya at lumapit sakin. Nasa likod ko siya ngayon at hinawakan ang kamay ko na nanginginig. Grabe! Anong ginagawa niya! Lalo nang bumibilis ang pagtibok ng puso ko.
"Ganito... Dapat kalmado ka lang kasi, kapag nanginginig ang mga kamay mo baka lalo kang mabuhusan ng mantika kasi nga kinakabahan ka sa pagluluto." Grabe! Anong bang ginagawa mo sakin! Seducing ang tawag dito di ba? Hala! Ramdam na ramdam ko ang hininga niya bawat salita niya.
"Kalma ka lang." sabi niya at automatic na kumalma ang mga nanginginig kong kamay.
"Oh di ba?" Sabi niya at hindi pa rin bumibitaw sa pagkakahawak ng kamay ko. Parang siya na y'ata itong nagluluto ehh, useless lang y'ata ang ganap ko dito! O talagang nananansing lang siya?
Tapos na naming lutuin ang mga hotdog bago pa siya bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. Nakahinga naman ako ng maluwag. Hay~
"Ako na lang ang maghahanda sa hapag-kainan. Baka makabasag ka pa ng pinggan! Hahaha.." sabi niya at bigla na lang akong nahiya. Parang bumabalik na ang dati naming kulitan. Hay.
"Ha-ha, akala mo naman kung sino ang nagmamagaling?! Hahaha" nagtawanan lang kami nang nagtawanan hanggang sa dumating si Nickolas.
"Why are you two laughing?" Sabi niya at nakataas pa ang kilay. Siguro may dalaw 'to.
"Hoy Nickolas! Bakit nakataas kilay mo ahh??? Maghanap ka na ng girlfriend!" Sabi ko at pinindot ang pisngi niya kasi lumalabas na naman ang dimples niya. Hahaha
"Ano ba yan Sheena! Nangako ako kay Dad na palagi ko kayong sasamahan ni Brix! Tsk tsk." Sabi niya at naupo na sa silya. Nauna pa siyang kumain.
"Brix! Let's eat na!" Sigaw ko at nakita ko namang nanonood ng TV si Brix kaya tumakbo siya papalapit dito para kumain.
"Wow! Hotdog Mom?" Tanong ni Brix at tumango naman ako.
"Sino po ang nagluto?" Tanong niya ulit. Nagkatinginan naman kami ni Bryan. Magsasalita na sana ako nang mauna na siya.
"Kaming dalawa ni Mommy mo baby Brix!" Sabi niya at kinindatan naman ako ni Bryan! Nako! Anong nangyayari sa kanya? Nagbalik na ba ang alaala niya? Mababaliw y'ata ako!
Ito ang una naming kain na kasama si Bryan. Sana sunod-sunod na.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Teen FictionMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.