CHAPTER 6 (I HAVE A HALF-BROTHER?)

3.8K 96 2
                                    

Hanggang ngayon tinititigan niya pa rin ako.

"Eh hem!" Napa-ayos siya ng tayo at nginitian ako. Ano bang ginagawa niya?

"Hi! Dito ba ang Condo ni Ms. Sheena Allyson?" Tanong niya.

"Ahh... Dito nga! Why are you looking for her?" Sabi ko naman. Alam ko naman na kilala niya ako. Pero bigla niya akong niyakap.

"Ah... What are you doing?" Tanong ko sa kanya.

"Ate! Ang tagal kitang hinanap!" Sabi niya. Na-shock na lang ako dahil kelan pa ba ako nagkaroon ng kapatid? Eh halos alam ko naman na ako lang ang bunsong anak nina Mom and my Step-Dad? Ahh... Gets!

"Teka nga!" Tinanggal ko ang pagkakayakap niya sakin.

"Huh? Ano bang pinagsasa-sabi mo? Wala akong kapatid! Ano ka ba! Haha.." natatawang sabi ko.

"Ah! I forgot to introduce my name! I'am Noah Hans Perez Sebastian 17 years old!"

"Perez? So, you mean is?"

"Yes! I'm your half-brother! Sorry for that! I'm so excited lang talaga!" Sabi niya. Ibig sabihin may naging karelasyon pa si Dad dati sa U.S? I don't believe it! DAAAAAAADDY!!!! Ngintian ko na lang siya at pinapasok. May dugo siyang perez kaya naman dapat pakitunguhan ko siya ng maayos.

"How?"

"What do you mean by how? Ate?" Sabi niya.

"How? Paano? Paano kita naging half-brother?"

"Hmm... That is a long story! Sorry for that, Ate!" Bakit ba lagi siyang nagso-sorry? Hay nako!

"It's okay! Makikinig ako!"

"Nung time na nasa Bar ang Mama ko ay nakita niya na nagpapakalunod ang Dad mo sa alak! Kaya naman nilapitan niya ito at sinabihang 'tama na po' kaya naman tiningnan ng Dad mo ng masama ang Mama ko, dun nagsimula nahatakin at halikan ang Mama ko ng Dad mo hanggang sa tuluyan nang napunta sa condo ang pag-aanuhan nila at pagkatapos ng gabing yun, nagising na lang ang Mom ko na walang saplot at wala na yung Dad mo! Nag-iwan na lang siya ng sulat na... "I'm sorry about what happened last night! Pananagutan ko kung mabubuntis ka man!" Yun ang nakasulat kaya naman hindi na nag-dalawang isip si Mama na magpunta sa Company building niyo!"

"Ahh... Kaya niya pala ako sinabihan na hindi niya ako anak! Ang totoo pala ay tunay ko siyang ama at hindi ko siya Step-Dad!" Napaisip ako dun. Nakita ko na lang na nakatingin na pala siya sakin.

"Hindi mo ba ako kinamumuhian?" Nagulat na lang ako sa sinabi niya. Madali kong hinawakan ang kamay niya ng makita ko siyang nakayuko na sa harapan ko. Ayoko ng may umiiyak.

"Hey! You are my brother so, why naman kita kamumuhian? I'am lucky to have a new member of my family! Noah!" Nginitian ko siya at niyakap.

"Thank you Ate!" Sabi niya. Alam kong naiiyak na siya.

"Alam mo ba? Magpahinga ka na muna, at bukas ipapakilala kita sa anak ko at kay chabs!" Bigla siyang napakunot ang noo.

"What? May nasabi ba akong mali?" Tanong ko sa kanya.

"Ate! You'll have a own son?" Gulat na sabi niya. Syempre naman di ba? Sino pa ba ang may nagsasabi sa harap ng media na may anak ako noh?

"Hmm... Yup! I have a child! Pero, sana wala ng ibang makaalam!?" Sabi ko sa kanya.

"Ahh... Of course, Ate!" Hays. Mabuti naman. Nginitian ko siya at tumayo na.

"Kukuha lang ako ng unan at kumot mo! Pasensiya na dahil wala na akong maio-offer sayo na bed eh! Okay lang ba?" Sabi ko dito.

"Ahh... It's okay lang, Ate!" Sabi naman niya at tinabi ang maleta niyang hila-hila kanina. Tumungo na ako sa kwarto namin ni Brix at bumaling ako sa cabinet, kung saan nakalagay ang mga kumot.

_____________________

Pagkatapos ko kuhanin lahat ng 'yon ay bumalik na ulit ako sa may sala's, nakita ko siya na may kausap sa phone kaya di ko naiwasang pakinggang kung ano yung pinag-uusapan nila.

Take note: Naka-loud speak ang phone niya kaya alam ko kung ano pinag-uusapan nila.

"Ano po bang nangyari?" Sabi niya.

"I don't know, pero hinimatay siya kanina sa sala's! But don't worry, dinala na namin siya sa Hospital! She'll be alright soon!" Nakita ko na lang na umiiyak si Noah. Ano kayang nangyari?

"Ok. Please take care of her, I'll be going as soon as possible, lolo" sabi niya at humihikbi na. Ganyan pala umiyak ang mga lalaki?

"Wait. Are you crying? Grandson! She'll be alright soon! Di ba, I told you kanina?"

"Opo! Hindi ko naman po kinalimutan, Lolo! Sige na po, baka po dumating bigla ang ate ko!"

"Nagkita na ba kayo?"

"Yes, Lolo!"

"Ok. Bye. Take care! Hinihintay ka pa ng Mom mo kaya dapat dumating ka na bukas!"

"Opo. Ibaba ko na po ito!" Dun ko na lang napansin na tapos na sila mag-usap kaya lumabas na ako sa tinataguan ko kanina.

"Pasensiya na dahil narinig ko usapan ng lolo mo!" Sabi ko at umupo sa isang sofa. Inabot ko sa kanya ang unan at kumot.

"Okay lang!" At nginitian niya ako. Nginitian ko din siya pabalik.

"Ano ba nangyari?" Tanong ko sa kanya. Bigla na lang nawala ang ngiti niya kanina.

"My Mom have a cancer in liver! Liver Cancer! Nahimatay siya kanina, kaya tinawagan ako ni Lolo dahil gusto daw ako makita ni Mom!" Sabi niya at tumungó.

"Pupunta ka ba bukas? Samahan ka na namin muna!" Sabi ko sa kanya kaya naman, nagliwanag ang mukha niya. Masaya siya.

"Talaga, Ate? Makikita ka na rin sa wakas ni Mom!" Sabi niya at niyakap ako. Natuwa naman ako sa ginawa niya dahil ni isa sa mga pamilya ko di pa ako niyayakap ng masaya sila. Wala kasi silang pakiealam sakin.

"Hihi! Sa wakas nga, sige na at maaga pa tayo bukas, papakuhanin ko na muna ang manager ko ng passport!" Tumayo na ako at nag-diretso na sa kwarto namin ni Brix. Pagkasara ko ng pintuan ay nahiga na ako. Pero tinawagan ko na muna si Terence.

"Hello, Terence?" Sabi ko. Hindi siya sumasagot.

"Terence?" I say it again.

"Hello? Ms. Sheena, si Manager Kim mo 'to!"

"Hi... Manager Kim? Where's Terence?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa C.R pa siya! (Hello sis!)" Sabi ni Manager, pero parang nasabi na y'ata niya kay Manager.

"Alam mo na?" Sabi ko.

"Yes, Ms. Sheena! Naiyak pa nga siya! Hahaha..."

"Paki-sabi na lang sa kanya na kukuha ako ng Passport pabalik sa U.S, may bibisitahin kasi kami na mahalagang tao!" Sabi ko at binaba na ang phone call. Nahiga na rin ako at pinag-masdan ang mukha ni Brix, kahawig na kahawig niya si Bryan.

***

(Hi sa mga reders! I hope you'll like my story, sana wag kayong magsawang subaybayan ang mga pangyayari dito!)

♡Clairemoon14

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon