Chapter 14 Magkakilala kayo?

3K 79 6
                                    

Dedicated to: @OfficialKxte

Nakarating na kami dito at kanina ko pa napapansin na napaka-seryoso ng mukha ni Bryan. Pero kapag titingin ako sa kanya. Ngumingiti na lang siya sakin.Bumaba na ako ng sasakyan.

"Thanks. Mauna na ako!" Sabi ko.

"Wait! Hindi ko ba ako aalukin na mag-coffee? I want to know you Ms. Sheena!" Natulilig y'ata ako sa sinabi niya. Want to know me? Anong gusto niyang malaman?

"You want to know me? What are you saying Mr. Bryan?" Kinakabahang tanong at sagot ko sa kanya pero pinipilit ko pa ring maging komportable.

"A lot." Sabi niya at bigla na lang lumabas ng sasakyan. Lumapit siya sakin at nginitian ako.

"Mag-usap tayo habang naglalakad!" Sabi niya at nauna na. Bakit ba parang bumabalik siya sa ugali niya? Sumabay akong maglakad sa kanya. Malayo pa ang lalakarin namin kasi pi-nark niya ang kotse niya sa may malayo sa hotel. Watta? Di ba?

"What do you mean that I remember you? May nakaraan ba sa'tin? Nakita ko kasi kanina na kapag natataranta ka, parang hindi totoo lahat ng sinasabi mo!" Sabi niya at binabagalan ang paglakad. Lagot na. Gusto niya pahabain ang conversation namin. Kailangan maging komportable ako sa pagka-usap sa kanya.

"H-hindi..." Naku! Nautal ka na naman Sheena. Nakita ko ang pagtingin niya sakin. Agad akong kinabahan.

"What I mean is No. Gusto kaso kita makita on personal! Kanina, kinakabahan ako kasi nakita ko na yung Idol ko sa pag-arte hahaha..." Susko. Patayin niyo na ako sa kaba ngayon. At sa wakas. Nakahanap ng idadahilan.

"Yun lang yun?" Natatawa niyang pagsabi.

"Yes!" Sabi ko at nakarating na kami dito Hotel.

"Thanks sa pagsama hanggang dito sa pintuan ng Hotel. Haha" walang sabi ko. Hahaha... Ang gulo ko kausap.

"No. Hindi mo ba talaga ako aayain na mag-coffee saglit?" Sabi niya at bigla kami napatigil sa harap ng hotel. Bakit ba gusto niya mag-kape. Pwede naman sa harap ihh...

"May tindahan diyan sa harap. May coffee shop din diyan sa paligid. Pero sorry hindi kita masasamahan! Sige na ba-bye!" Maglalakad na sana ako ng bigla niya hawakan ang braso ko.

"What I mean is- - - -" alam ko na ibig niyang sabihin.

"You want coffee? Come!" Yan na lang ang nasabi ko at bigla siya sumang-ayon. Sinamahan niya ako sa paglalakad at sinuot niya ang kanyang shades. Ako kasi naka-mask lang. Sumakay na kami ng elevator.

"Bakit ka ba excited na umuwi?" Nabigla naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman na excited ako?

"What do you mean?" Tanong ko. At nag-aalangan pa akong kausapin siya. Bwisit! Ayokong mag-kita sila ni Brix.

"Ahh... Nabanggit kasi sakin nung driver na may- - -" bigla na lang bumukas ang elevator.

"Yay. L-let's go?" Pagputol ko sa isusunod niyang sasabihin. Iba talaga ang pakiramdam ko ngayon. Parang may hindi tama. Parang may sumusubok sakin na wag na ituloy ang pagpunta ni Bryan sa condo na tinitirhan namin.

Naglakad kami ng tahimik papunta sa silid ko. Bwisit! This is so eff*n awkward!

Nang makarating kami dito nag-aalangan pa akong buksan kasi nga alam kong sasalubungan ako ng yakap ni Brix. Pero binuksan ko na kasi naghihintay ang isang kasama ko.

"Mommy's home! Hello Mom!" Salubong sakin ni Brix at napa-upo na lamang ako para yakapin ang anak ko. Tumingin ako kay Nickolas at halata ko sa mata niya ang gulat.

Binigyan ko si Nickolas ng may ibig sabihin na tingin. Binulong ko sa hangin na magtimpla siya ng coffee para sa kasama ko. At naintindihan naman niya iyon.

"Maupo ka." mahinahon kong sabi. Naupo naman siya sa may sofa at kanina ko pa napansin na nagngingitian ang dalawa. Si Brix at Bryan.

"Hello, Tito Bryan! Did you remember me?" Paunang sabi ni Brix na talagang ikinagulat ko. Saan silang nagkilala? At parang kilala siya ni Brix?

"Hi, Brix! Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong naman ni Bryan kay Brix at talagang nao-O.P na ako sa kanila.

"Magkakilala kayo?" Bigla kong tanong ng ikinagulat naman ng dalawa. Hindi y'ata nila napansin na may kasama sila dito sa loob ng silid na 'to!

"Mom! He's Bryan. Who's one help me the guy push me back?" Naguluhan ako sa english ni Brix pero push him back? Bakit? Anong bang hindi ko alam! Shoot!

Nakita ko si Nickolas na papalapit sa'min kaya tiningnan ko siya na mailapag muna ang kape sa mini table sa gitna.

"Nickolas! Can we talk?" Sabi ko sa kanya ng mahinahon pero umiling siya. Ayaw niya. So ibig sabihin may nangyari nung nasa park sila?

"Brix. Say to me the truth!" Sabi ko pero napataas ang tono ng boses ko.

"Mom? Don't be mad! Nahulog ko lang po yung bola tapos kinuha ko. Tapos pagbalik ko po dun sa may inuupuan ko may naka-upo na pong iba, tapos hindi ko po makita si Tito tapos- - - -"

"Nickolas? Pinabayaan mong mawala siya sa tabi mo? What the hell!" Galit na sabi ko. Oh, galit ang tono ng boses ko. Ewan, hindi ko alam.

"Paano kung may nangyaring masama kay Brix huh? NICKOLAS!" sigaw ko sa pangalan ni Nickolas. Alam kong nagulat sila sa pag-aalala ko.

"Sheen, matagal na yun! Please palipasin mo muna yun, may bisita ka pa!" Mahinahon na pagsabi sakin ni Nickolas at pinipilit niya akong pakalmahin.

"NO! Expalin me what happened last time!" Sabi ko at naupo ng couch. Wala akong pakialam kung nandito man si Bryan. Sanay naman siyang nagagalit ako di ba? Kaya sanay na rin ako sa kanya.

"Mom please don't mad!" Nagulat ako sa biglang pagtulo ng luha ni Brix.

"Bakit kayo magkakilala? Anong nangyari sa park? Why didn't you tell me baby huh?" Mahinahon na sabi ko sa kanya. Ayokong nakikita niya ako na nagagalit.

"Mom, let's me explain now. That was my fault and tito's not. My ball was fall down so I decided na kunin po. Hindi ko po kasi sinunod ang bilin ni Tito na wag akong aalis dun sa may upuan pero umalis pa rin po ako. Nang makita ko po na may iba na pong naka-upo sa may upuan ko that time hindi ko na po nakita si Tito. Hanggang sa tinulungan po ako ni Tito Bryan na mahanap si Tito!" Sabi niya sakin at detalyadong-detalyado. Di ba sabi nila. Kahit anong sabihin ng bata hindi sila nagsisinungaling?

"Okay. Basta sabihin niyo sakin kung ano ang nangyayari kapag umaalis kayo, okay? Updated me once!" Sabi ko kay Brix at tumango naman siya. Hinalikan niya ako sa may kanang pisngi ko.

"Mom! I forget to say thank you kay Tito Bryan!" Bulong sakin ni Brix kaya sinabi ko sa kanya na 'go!' pero nagtataka ako na kung bakit ba 'Tito Bryan' ang tawag niya kay Bryan.

"Mom! I want him to be my Daddy!" Nagulat ako sa pagsabi ni Brix nun. Napatingin naman ako kay Bryan at nakangiti siya sakin. What is he mean that smile?


∆∆∆∆∆∆∆∆∆

Hi. Sorry for late updated. Thanks for supporting this.

If you have a question. Just PM me. Magkakaroon tayo ng long chat conversation. If you want to.

WAG NIYO KALIMUTAN NA SABIHIN SAKIN ANG WATTPAD NAME NIYO SA PM NATIN OKAY. BAKA SAKALING MAI-DEDICATED KO SA INYO ANG BAWAT CHAPTER'S.

~Clairemoon14


Itutuloy...


Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon