Claire's note: Wedding invitation is on the media box. You can see it if you want to moonreaders hahaha XD.Chapter 45 Wedding Day
Sheena's Pov"Huwag ka nang kabahan, kami naman ni Nickolas ang susunod sa inyo hahaha!" Napatingin na lang ako kay Shane na kanina pa ako pinagmamasdan habang minemake-up-an ako.
"Yun na nga eh, wedding day ko ngayon pero bakit ba ako kinakabahan?! Tsk. Bakit kasi hindi pwede makita yung groom ko?" Kinakabahan kong sabi. Kanina pa lumalakas ang tibok ng puso ko!
"Yun kasi ang mga pamahiin ng mga matatanda, kapag nakita mo ang groom mo kahit na hindi pa nagsisimula ang kasal, ibig sabihin baka hindi ka niya siputin!" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Shane.
"'Yan ba talaga ang sabi-sabi?" Tanong ko sa kanya at bahagya naman siyang tumango. Itinikom ko na lang ang bibig ko at humarap na sa salamin.
Kring...kring...
"Oh Sheena, may tumatawag sa'yo," sabi ni Shane at inabot sakin ang cellphone ko.
"Thanks," sabi ko at kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko muna sa screen kung sino ang tumatawag. Husband is calling...
"Hala! Pwede ko ba 'to sagutin?" Pinakita ko kay Shane ang screen ng cellphone ko.
"Bakit? Video call ba yan? Kung hindi edi sagutin mo! Sige na muna lalabas muna ako haha.." sabi niya at lumabas na nang kwarto.
"Iwan ko muna po kayo Ms. Sheena" sabi naman nung nagme-make-up sakin kaya tumango na lang ako at lumabas na rin siya ng kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot ang tawag at itinapat iyon sa kanang tenga ko.
"Oh?"
["Hays, bakit ang tagal mo sagutin?"] Napangiti na lang ako dahil ang gwapo pa rin ng boses niya sa phone hahaha... Nako!
"Sorna! Hinanap ko pa yung cellphone ko ehh, ano angal?"
["Hindi naman, ano puntahan ba kita dyan? Gusto na kita makita!"] Narinig ko kung paano siya nagboses na parang bata.
"Hoy! Hindi pwede! Baka hindi mo ako siputin mamaya ehh!" Sigaw pero malambing kong sabi sa kanya.
["Bakit? Darling kita di ba? Bakit ka naman nag-iisip ng ganyan! Teka papunta na 'ko dyan"] dahil sa sinabi niya bigla ako napatayo. Hays, nakakataranta ang kulit ng artistang 'to.
"Hep hep! HINDI NGA PWEDE! Mag-stay ka na lang dyan! Konting oras na lang oh! Magkikita din naman tayo mamaya sa simbahan! Jusko ka, natataranta tuloy ako sayo!" Hindi ko na napigilan na mapataas ang tono ng boses ko. Hays.
["Ihh~ miss na miss na miss na miss na kaya kita! Ang hirap pala mahiwalay sayo ng kaunting oras, para akong masisiraan ng ulo kapag wala ka sa tabi ko ehh!"]
"Alam mo ba, miss na rin kita husband ko! Kaya tiis muna tayo ng konting oras huh? Nakakataranta yung pagiging O.A mo! Hays," Ngayon parang kumalma nang muli ang puso ko, kaya bumalik na ako sa kinauupuan ko; kanina, sa harap ng salamin.
["Sige para sayo darling kooo~"] hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na lang ako sa kanya.
"Ano ka ba~ hahaha sige na ibababa ko na 'to" akmang i-e-end ko na ang call ng magsalita ulit siya.
["Ayoko pa, gusto pa kita makausap ehh, tsaka ang ganda kaya ng boses mo dito sa phone ko! Parang nakikinig lang ako nang radyo eh.."] Napangiwi na lang ako dahil sa sinabi niya. Hays, hanggang kelan ba ako nito papakiligin huh? Kyaaaahh!
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Fiksi RemajaMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.