Dedicated to: @KrizzyAnnMallete
Dumiretso ako sa Police Station. Balak kong ipahanap si Sheena Perez ngayon na. May alam na akong kaunti sa kanya and thanks talaga sa Principal dun sa school, mabuti at hindi niya itinatapon ang mga luma na mga folder.
"Good Evening Sir. Ano po ang problema at napapunta po kayo ng ganitong oras?" Bati sakin nitong pulis. Feeling close naman siya pero mas mabuti na rin yun.
"I want you to find this girl! Her name is Sheena Perez, you need to find her now!" Inabot ko sa kanya ang dala kong folder.
"Naku! Mapapalaban ako sa english ne'to!" Narinig ko ang pagbulong at pagbuntong-hininga nitong pulis. Aba't! Hahaha... Sakin na lang yun.
"Did you say something?" Nagulat ako ng tanungin ko siya. Bigla na lang banaman nagulat siya. Napahawak na lang ako sa dibdib ko.
"No Sir. Ahh... I-i want you to a-a-understand me? Hm.., Now? No sir, hindi po pwede! What I mean Sir is now is ahh.... avoid to find your wife Sir!" Sabi niya at mukhang nahihirapan pa sa pagi-english. Napangisi na lang ako.
"Nagta-tagalog ako Chief!" Bigla na lang siya napa-inom ng tubig. Halata ko ang gulat sa kanya dahil mali o ewan ang pagi-english niya.
"Talaga? Susko ka! Kabataan nga naman! Naku Sir, pagpasensiyahan mo na yung english ko ha? Nagkataon lang kasi na ako yung naka-duty ngayon dito ehh... Hindi ko po pwede iwan itong pulisya lalo na at wala ako mapag-iiwanan ngayon!" Mahaba niyang sabi and I understand him. Wala nga akong ibang nakikita kundi siya lang ang naka-duty na pulis dito.
"I understand what do you mean Chief but I need you to find this girl. Matagal ko na siyang hinahanap!" Sabi ko at tinuro pa ang maliit na picture ng babae. Si Sheena.
"Pero Sir, mukhang pinaglumaan na ang litratong ito. Malamang malaki na at nag-immature na ang itsura ng babaeng hinahanap mo Sir eh.." pagpapaliwanag niya sakin. May point siya. Pinaglumaan na nga ang litrato. Paano ko siya mahahanap?
"Thanks for explanation chief, I need to go!" Sabi ko at kinuha ang folder na nakalapag sa desk niya. Dapat kahit sa panaginip man lang makita ko ang mukha ng babaeng minahal ko.
SHEENA'S POV
Time check: 08:34 a.m.
Nalingatan ako sa sinag ng araw. Bakit ba kasi katabi ng kamang 'to ang glass door. Hay. Tatayo na nga ako!
Naglakad ako papuntang C.R at nag ayos na. Nakabihis na ako paglabas ng kwarto ko. Nakita ko na gumagawa na nang breakfast si Nickolas at mukhang kakagising lang din.
"Morning! Where's my son?" Tanong ko sa kanya at kumuha ng tubig sa Ref.
"He's taking a bath! Inutusan kong maligo." Sabi niya ng hindi tumitingin sakin. Busy siya sa pagluluto ng mga hotdogs. Nakita ko na nakaluto na pala siya ng egg with seasonings, alam niyo ba yun? May nakalagay na din sa gitna ng lamesa na cook rice, what I mean is sinangag tawag nila dito sa Pinas.
"Ahh..." Yan na lang ang nasagot ko bago makainom ng tubig. Nilapag ko ang baso sa lamesa bago tumulong kay Nickolas. Kumuha ako ng mga plato at kutsara't tinidor. Inayos ko na ito sa lamesa.
"Good Morning Mom! Morning tito Nick!" Nagulat ako sa biglang pagyakap sakin patalikod ni Brix.
"Ginulat mo naman si Mommy!" Sabi ko. Binuhat ko siya bago niyakap ng mahigpit.
"I can't breathe Mom! Please stop hugging me hahaha.." sabi niya. Kiniliti ko siya bago binaba.
"Bumibigat ka na ahh... Sali na kaya kita sa weightlifting?" Natatawa kong sabi sa kanya. Nagulat ako ng bigla na lang ako sinamaan ng tingin ni Brix.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Novela JuvenilMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.