Naalimpungatan ako ng bumukas na ang pinto nitong van. Namalayan ko na lang na nakapatong na pala ang ulo ko sa balikat ni Bryan.
Hays nakakahiya naman!
"Where here na Ms. Sheena and Mr. Bryan! It's better to take a rest muna kayo para hindi niyo ramdam ang pagod niyo bukas sa shooting natin." Sabi ni Direk at dinala na nang mga bagger ang maleta namin at iba lang mga bag na ipapasok sa bawat room na naka-assign samin.
Naunang bumaba si Direk sumunod si Manager Kim bago bumaba si Bryan. Ako na yung bumaba at inalalayan naman niya ako.
"Wow, gentleman mo naman Mr. Bryan" sabay kaming natawa dahil sa sinabi ni Manager Kim. Napatingin naman ako kay Manager Kim, nakatingin siya sa mga kamay namin na magkahawak pa din pala. Agad ko namang tinaggal yun at naunang maglakad papasok ng hotel.
Nangunguna ngayon si Direk, alam na niya kasi kung saan ang mga room number namin sinabayan ko na lang si Direk sa paglalakad.
"Hello Direk" bati ko kay Direk.
"Siya nga pala Ms. Sheena, I'm sorry sa lahat ng nasabi ko! Hindi dapat kita pinagmamalditahan at bosihan haha" napatingin ako kay Direk na si Manager Clinton. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Okay lang naman po yun direk, you'll gonna be the best director doon I wish you all the best!" Pagchi-cheer ko sa kanya.
"Thanks Ms. Sheena"
"Basta gawin na lang natin kung ano yung the best" tumango na lang si Direk bago kami sumakay ng elevator.
"Sheena, can you do something favor?" Agad na sabi sakin ni Bryan na nasa tabi ko. Feeling ko sobrang epic nito kasi ngayon na lang kami nagkalapit ng ganito.
"What favor?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Sabay tayo mag-dinner sa isang restaurant, tayong dalawa lang" napatingin ako kay Bryan at nanlaki pa nga ang mata ko! Niyaya niya ba akong mag-date? Hala! Nakalimutan ko kasal nga pala siya kay Sky, bakit naman ako maga-assume na ilalabas niya ako para lang dun.
"Sure! Importante ba yun? Pwede naman tayong magsabay-sabay kumain nila direk ahh.." sabi ko kay Bryan bago bumukas ang pinto ng elevator. Naunang naglakad si Direk bago sumunod sa kanya si Manager Kim. Naglakad na ako at sinabayan naman ako ni Bryan. Hays! Paano kaya ako makakalayo sa kanya?!
"No! I mean, I have to tell something" sabi ni Bryan bago ako napatigil dahil tumigil sa paglalakad si Manager Kim.
"Ms. Sheena, this is our room at dito naman po kayo sa tapat Mr. Bryan kasama niyo po si Manager Clinton diyan sa tapat na kwarto" singit ni Manager Kim. Sumenyas ako na kung pwede na ba kami pumasok na dalawa sa loob ng condo.
"Ah! Ms. Sheena let's go inside?" Aya sakin ni Manager Kim na mukhang na-gets niya ang sinabi ko. Napatingin ako kay Bryan bago naglakad pero napatigil din ako nang hawakan niya ang kamay ko?
"Ah-ahm kakatok na lang ako dito mamaya kapag aalis na tayo" sabi niya bago sumunod kay Direk papasok ng condo.
"Yiiiee, Ms. Sheena tinutupad na ni tadhana ang iyong munting panalangin hahaha" napatingin ako kay Manager Kim na todo ang pagtawa na akala mo wala nang bukas. Hays! Narinig niya siguro pinag-usapan namin kanina ni Bryan sa loob ng elevator.
"Hindi ko alam na tsismosa ka din pala Manager" sabi ko bago pumasok nang condo at sinarhan ng pinto si Manager Kim. Buti nga sa kanya! Hmp.
"Wait! Ms. Sheena!!??" Rinig kong sigaw ni Manager Kim sa labas. Nag-unat muna ako bago binuksan ang pintuan ng condo.
"Ayoko na ibalik ang nakaraan kaya past is past! Hindi naman ako magkakaganito kung hindi ko lang siya nakita sa Airport nun" sabi ko bago pumasok sa kwarto at inilapag ang dala kong maleta at bag.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Roman pour AdolescentsMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.