CHAPTER 2 (DREAM)

5.2K 113 10
                                    

BRYAN'S POV

"Bryan? Ano bang problema? Ano ba ang pinag-usapan niyo ng Mommy mo? Bakit ka nagkakaganyan, pinagpapawisan ka na!"

"Tandaan mo - - - - - - , kahit na anong mangyari mahal na mahal kita!"

"Mahal din naman kita! Bakit ka ba nagsasabi ng ganyan na parang aalis ka!"

"Wala lang haha... Mahal kasi kita, kapag nagsasabi ako nun gumagaan pakiramdam ko."

"Ahh... Mahal kita - - - Mahal kita - - - Mahal kita 🎤 kung mawalay ka sa buhay ko oh~ kung pag-ibig mo'y maglaho, paano na kaya ang mundo🎤 hala! Umuulan!" kanta niya hahaha... Baliw talaga.

"Kasama ba yung 'hala! Umuulan!' sa lyrics? Hahaha.." nakatitig lang ako sa kanya. Ang ganda talaga ni - - - - - -.

"BRYAN! TUMINGIN KA SA DAAN!" pagkasigaw niya nun bigla akong napatingin.

"AAAAAAAAAAHHH!" nalaglag kami sa bangin.

"Bryan! Mamamatay na ba tayo? *sob!" nararamdaman ko na lumulutang na kami. Malalim ang bangin kaya posibleng mamatay kami. Niyakap ko siya at hinalikan ko siya sa noo.

"Kahit naman mamatay tayo, parehas naman eh... Hahaha! Masaya naman tayong mamamatay! Hayaan mo papakasalan kita sa heaven! Mahal na mahal kita - - - - - -!"

"Nakakapagpatawa ka pa ng ganyan ahh... Mamamatay na nga tayo ganyan ka pa! Mahal din kita Bryan!"

***

"Bryan?! Bryan! Bryan!" Narinig ko ang sigaw na yun. Si Sky pala.

"What?"

"Binabangungot ka y'ata, kanina ka pa nagsasalita ng 'ano bang pangalan mo?' bakit? Sino ba yun?" Bigla niyang sabi sakin.

"No. Forget that, it's nothing."

"Ahh... Gusto mo ba ng tubig?"

"A-ah.. sige, ikuha mo ko," Sabi ko kaya naman, tumayo siya sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto.

"Sino ka ba talaga? Hindi ko matandaan ang pangalan mo, sino ka ba? Bakit mo sinabi na mahal mo din ako?" Bulong ko sa aking sarili. Gusto kong malaman ang pangalan ng babaeng nasa panaginip ko. Sino ka ba?

"Oh Hon, inumin mo na 'to at nang makapag-pahinga na tayo." Nandito  na pala si Sky at may dala-dala siyang tubig. Agad ko namang ininom ito at saka bumaling ulit sa pagkakahiga.

"Ayos ka na Honey?" Sabi ni Sky. Tumango na lang ako, bilang sagot ko. Ipinikit ko na ulit ang mga mata ko.

***

Morning 07:45 a.m.

Bumangon na ako. Wala na sa tabi ko si Sky. Siguro bumaba siya para ipagluto ulit ako. Bago ako bumaba ay naligo muna ako at nagbihis.

"Morning Hon!" Sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko din siya pabalik.

"Kain ka muna," Sabi niya bago inilapag ang plate sa table.

"Ahh... Mamaya na lang, may pupuntahan lang akong mahalaga." Sabi ko at kinuha ang susi ng kotse ko.

"Teka muna! Saan ka pupunta? Wait. Sasama ako!" Maglalakad na sana siya paakyat ng hagdan pero hinawakan ko ang braso niya.

"Why, honey?"

"You don't need to! Hindi mo na kailangang sumama, kaya ko na ang sarili ko, okay? Dito ka na lang sa bahay!"

Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon