Dedicated to: @SusieApigo
Nakapila ako ngayon sa may counter. Kukuha kasi ano ng passport pabalik ng Pilipinas.
"Ms. 3 passport please, from to Philippines! Thanks."
Inabot na niya sakin ang tatlong passport. Bumalik na din ako sa may bench kung saan naghihintay sakin ang anak ko at si Nickolas. Napansin ko na hindi pa pala nakakaalis si Noah.
"Oh, Noah?! Sasabay ka ba sa'min pauwi?" Tanong ko sa kanya. Mabilis naman siya umiling.
"Ahh.. Hindi po muna Ate! Susunod na lang ako kapag magaling na si Mom!" Sabi ni Noah. Ito ang hinahangaan ko sa half-brother ko. Medyo mabait at mapag-aruga. Niyakap ko na lang siya at tinapik ang balikat, senyas na mauuna na kami sa kanya.
"Noah is such a great, right?" Nagulat ako nang biglang nagsalita si Nickolas. Napatingin na lang ako sa kanya.
"Huh? What do you mean?" Sabi ko. Napatinigin siya sakin.
"Noah is a good Man! What I mean is mabait siya, nung una ko kasi siya makilala di ko agad siya pinagkatiwalaan."
"Ahh.." yan na lang ang bukod na nasabi ko. Napatingin na lang ako sa balikat ni Nickolas. Buhat-buhat niya kasi si Brix at nakatulog na.
(Good Evening, be ready for the next flight! Philippines. Good Evening, be ready for the next flight! Philippines.)
Nag-announce na sila. Tumayo ako at kinuha ang mga gamit namin. Naglakad na kami.
"Buti na lang at 7 hours ang lamang ng Pilipinas dito noh?!"
"Oo nga. Gusto ko nga eh, 1minute lang para pagalitan ka nang manager mo, hahaha! A-aray!" Binatukan ko nga 'tong si Nickolas. Ayoko kayang mapagalitan! Hindi na lang ako nagsalita at naglakad na lang nang mabilis.
"Uy, wait!" Rinig kong sigaw ni Nickolas. Kapag nagising si Brix, lagot sakin 'to!
"Bakit ba kasi ang bilis mong maglakad?"
"Baka iwanan kasi tayo ng eroplano!" Sabi ko at sinamaan siya nang tingin, nanahimik naman siya. Takot kasi siya sakin! Hahaha.
BRYAN'S POV
Nandito na ako sa loob ng eroplano. Maraming nagtataka kung bakit pa rin ako naka-mask. May katabi akong isang matandang babae.
"Naku hijo, pwede bang makisuyo ng salamin ko nalaglag kasi!" Sabi niya kaya kinuha ko ito.
"Eto na po, ingatan niyo po yung salamin niyo baka malaglag po ulit!" Sabi ko at ibinigay ang salamin na pinulot ko kanina.
"Naku, naiintindihan mo pala ako? Akala ko kasi inglisero ka ring bata ka, di bale salamat na rin ah..ano bang pangalan mo hijo?" Mahabang sabi niya.
"Ahh... Bryan na lang po." Sabi ko at nginitian na lamang siya. Inayos niya ang bag niya at nilingon ko naman ang kakasakay lang na babae, may kasama siyang lalaki na may dalang bata na natutulog. Naka-mask din yung babae at naka-shades.
"Oh, Nickolas ikaw na muna ang maupo bago ako!" Sabi nung babae. Wait I know her voice! Baka nagkakamali lang ako. Parang narinig ko na ang boses na yun. Tch.
"Paki-ingatan naman si Brix baka magising! Nako, malilintikan ka sakin!" Rinig kong sabi niya ulit kaya hindi ko maiwasang tingnan siya ng mabuti. Gusto kong makita ang itsura niya.
Nakatitig na pala ako sa kanya. Di ko namalayan. Nakita ko siyang nakatingin sakin kaya umiwas ako ng tingin.
"Sorry Mr. if I disturb you!" Rinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya. Tinanggal niya ang shades niya, hindi ang mask.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
JugendliteraturMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.