[Authors note: Papaikliin ko na po ang mangyayaring shoot nila Bryan at Sheena sa kabanata na ito. Medyo marami pang mangyayari kaya paki-abangan na lang po, :)]***************
ON CAMERA:
"Ako nga pala si Sylla," sabi ni Sylla ng buong puso sa kaharap na binatang lalaki. Halatang seryoso ito sa buhay at parang walang pakialam sa iba.
"I'm Henry. What do you want from me? Are you a photographer or a traveller?" Nagulat na lang si Sylla dahil hindi siya nilingon ng binatang si Henry.
"Photographer ako, soon. Kaya kung pwede ba kita kuhanan ng pictures?" Nakangiti si Sylla.
Jusko naman Bryan, kanina pa ako nakangiti dito. Ano? Wala man lang sasabihin? Hala! Baka mapagalitan at bigla-bigla na naman mag-cut ang shooting na 'to nako!
"Okay, Your a training photographer." Napatingin ako kay Bryan. Ang galing niya umarte. Dati nung college kami kapag may gagawin siyang trabaho sa pag-arte nagagalit ako. Pero iba pala kapag nandito ka na. Mahirap pala. Tapos lagi pa ako nagtatampo sa kanya kasi lagi niya inaatupag yung career niya. Alam ko na kung ano ang pakiramdam ngayon. Hooh!
"Yah, I'm a training photographer and I want to become success, so can I please let me take you a picture?" Tumingin si Sylla kay Henry. Tumango si Henry pero hindi man lang ito ngumiti. Naglakad na si Sylla habang kinukuhanan ng litrato si Henry.
Jusko naman Bryan! Bakit ang galing mo umarte! Kinakabahan ako sayo, nako! Paano na, nanginginig yung camera, halata pa naman 'to.
Itinigil na ni Sylla ang pagkuha at agad na bumalik para humingi ng pasasalamat sa binata.
"Thanks for let me to take you a picture Henry." Sabi ni Sylla at akmang aalis na siya nang biglang magsalita ang binata na ni-deadma lang siya kanina.
"Your welcome but..." Napatingin si Sylla sa kausap na si Henry dahil parang may hindi magandang nangyayari sa kanya.
"Are you willing to be my girlfriend for two months, I want to tell my dad that I have a nice girlfriend!" Nakangiting tugon ni Henry sa kaharap na si Sylla. Hindi naman magkamayaw ang dalaga dahil may nag-alok sa kanya na maging girlfriend siya, marahil ay NBSB ito buong buhay niya.
"H-huh? Are you sure? I'am not ready for this useful relationship with a stranger like you and me."
Grabe! Nakalimutan ko yung susunod na lines ko. Paano na 'to! Baka magkamali na naman ako, ayoko nang magkamali, kinakabahan ako.
"I'm not a stranger! Ako na nga itong inaalok ka, may bayad naman 'to ehh, just please accept my proposal."
Hala! Parang alam ko na ang ganitong eksena, parang naranasan ko na 'to ahh... Jusmiyo! Naranasan ko na nga. Jusko ka Bryan. Bakit ganito yung kwento ng movie na 'to!
"T-t-talaga? S-sige! I will accept your proposal, I do."
"CUUUUUT!!!! What's happen?!" Nagulat ako sa sigaw na yon. May mali ba akong nasabi? Bigla na lang ako napatakip ng bibig ko. Napatingin ako kay Bryan na parang nagpipigil na nang tawa.
"Anong nangyari? Bakit bigla ka na lang agad pumayag? Di ba dapat magagalit ka muna sa kanya tapos mag-aaway muna kayo," mahinahon pero detalyado na pagkakasabi ni Direk sakin.
"Sorry na direk, alam mo naman na first timer ako dito kasi hindi naman ako magaling sa aktingan, magaling po ako sa rampahan pero. . .pero ginagawa ko naman po ang best ko at saka Direk. Nakalimutan ko kasi yung line ko." Napatingin ako kay Bryan. Lumapit siya samin bago niya ako inakbayan na talagang ikinagulat ko.
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Teen FictionMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.