"Mahal ko." Napatitig na lang ako kay Bryan. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Nanikip ang dibdib ko at bigla na lang bumuhos ang mga luha sa mata ko. Nakakaalala na ba siya? Tama ba ang narinig ko.
Mahal ko. Hindi ako magkakamali ng dinig. Kung na nanaginip man ako ngayon. Sana hindi na ko magising pa sa katotohanan na hindi na niya ako maalala at hindi niya ako kilala.
"Why are you crying?" Lalong bumuhos ang mga luha ko ng magsalita siya.
"N-nakakaalala ka na!" Nautal pa ako sa sinasabi kong yun. Pero natigilan ako, bigla niya ako niyakap.
"I'm just act pero hindi ko alam na ganun pala ang epekto sayo ng salitang “Mahal ko”" tila...nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi niyang yun. Agad na tumigil ang luha ko sa pagpatak dahil sa sinabi niya. Act. He just acting. Ano pa nga ba ang dapat kong paniwalaan?
"At..paanong nakakaalala na ko?" Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya sa kamay ko kaya natigilan siya dun.
"W-wala. Hahaha" natatawa na lang ako sa pag-assume ko na nakakaalala na siya. Nakakainis talaga ang maling akala.
"Labas muna ako. Magpapahangin lang," sabi ko at agad na lumabas ng tent. Hindi ko makakalimutan ang araw na 'to Bryan. Ang araw na tinawag mo akong Mahal ko.
Naglakad-lakad ako at pilit na pinagmasdan ang bulkan dito. Napaka-ganda. Sobrang sariwa ng simoy ng hangin. Nakakagaan ng pakiramdam.
Malapit na matapos ang taping namin, makakabalik na din kami sa bahay ni Bryan. Makakasama ko na ulit si Brix at si Nickolas. Makikita ko na din si Shane.
Simula nung mawala ako ng dalawang linggo sa bahay na yun. Tila ba, marami na agad memories ang dumaan ngayon. Nakasama ko din ng matagal si Bryan.
Malapit na ang birthday ko. Malapit na din ako magpakalayo-layo. Haha, nakakatawa 'mang isipin pero kilala ko si Sky. Alam kong pagbabanta ang mga sinabi niya sakin. Baliw kasi ang babaeng yun kaya alam kong hindi kami ligtas ng anak ko sa mga kamay niya.
Balang araw magtitino na rin si Sky dahil sa mga kamalian niyang ginawa. Isang araw magugulat na lang ako ng bigla na lang niya ibalik kung ano yung sa akin di ba?
"Sheena." Napatigil ako sa kinatatayuan ko. Kilala ko ang boses na yun. Dahan-dahan akong lumingon at nakita ko si Jack na nakatayo sa harap ko. May dala siyang bulaklak at isang gift.
"J-jack? N-nakalabas ka na," gulat na gulat pa rin ako sa mga pangyayari ngayong araw. Ano ba 'to!? Bakit binabalik nila yung mga kriminal na sumira ng buhay ko???
"I want to say sorry. I'm back because I want to get what is mine." napatingin na lang ako sa kanya. Inabot niya sakin ang flowers na hawak niya bago ang isang gift.
"Bakit ko naman kukuhanin ang isang regalo na galing sa isang kriminal?!" I said and I cross my arms.
"This gift is my piece offering. Hindi ko naman sinasadya yung araw na yun. I was drunk that time isn't it?"
"Yeah I know. But you didn't controlled yourself! You want me to undressed all my clothes! You know Jack, I was scared that time. You like...you like a indecent man!" Hindi ko napigilan ang luha ko na bumagsak. Natatakot ako na maalala ang huling sandali na yung...yung muntik na ako mawalan ng dangal. Thanks for Bryan to save my virginity.
Nakita ko ang pagngisi niya. Kinabahan ako sa ginawa niyang pagngisi.
"Just accept this thingy." Sabi ni Jack bago kinuha sapilitan ang kamay ko at inilagay niya dun ang flowers and gift na hawak niya.
"What's happening here?" Biglang nawala ang kaba ko ng dumating si Bryan. Gosh.
"There he is. What's up dude. Haha, nice meeting you again. You save this girl again." Kinabahan ako sa sinabi niya. ‘again’ paulit-ulit na salita sa isip ko.
"What do you mean? Did I know you?" Sabi ni Bryan.
"Yep. We see our college life then on my condo to save your girlfriend! And now, you did it again dude. Hahaha" natigilan ako sa sinabi ni Jack dahil bigla na ang tumingin sakin si Bryan.
"Who are you?"
"I'm Jack. You already know my name Bryan. You already know, just remember what I did into your previously life" sabi ni Jack bago naglakad palayo sa kinatatayuan niya kanina.
Nagkaharap ulit kami ni Bryan. Kitang-kita ko ang pagtataka sa mukha niya.
"What did he say earlier? You are my girlfriend?! You---you are Sheena Perez?" Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko.
"So, tama pala ang mga hinala ko. Sheena Perez, mahal ko nagbalik na ko." gulat na gulat ako ng biglaan siyang tumakbo para hilahin at ilapit ako sa kanya para yakapin ako ng mahigpit. Hindi ko napigilan na tumulo ang mga luha ko.
Napakabilis ng mga pangyayari. Dapat ba akong magpasalamat dahil bumalik si Jack para gumawa siya ng eksena katulad nito?
Hinayaan ko na lang na tumulo ang luha ko bago ko siya yinakap ng mahigpit.
"Ako nga. Ako nga si Sheena Perez na matagal mo ng hinahanap." naramdaman ko na lang ang mahigpit na yakap niya sakin. Rinig ko rin ang bawat hikbi sa kanya. Umiiyak si Bryan.
***
Tik tak, sensiya na po sabaw ang updated na ito hehe...
Comment powsxz...
BINABASA MO ANG
Ang Asawa kong Artista [COMPLETED: Editing]
Fiksi RemajaMagka-balikan pa kaya ang dating nagmamahalan noon? O HINDI? Paano na! Cover: Created by me. Only me.