Unan
Unan ang naging sandalan ko noong mga panahong wala ka sa tabi ko upang protektahan ako
Unan na bigay mo ang nagsilbing alaala mo, natin noong mga panahong masaya at magkasama pa tayo
Noong mga panahong nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan at pababayaan
At lalong-lalong noong mga panahong mahal pa natin ang isa't-isa
Pero ngayon nasaan ka?Nasaan ka noong panahong kailangan na kailangan kita?
Noong panahong kailangan ko ng taong gagabay at poprotekta sa akin?
Nong panahong kailangan ko ng pagmamahal at tiwala mo?Nasaan ka?
Wala ka dahil nasa malayo ka nagpapakasaya sa piling niya samantalang ako nagmumukmok sa isang tabi upang kalimutan ka, kalimutan ang sakit na idinulot mo sa akin noong iniwan mo akong mag-isa
Na sabi mo ay hindi mo gagawin dahil mahal mo akong talaga ngunit mali pala
Mali pala na umasa ako sa mga sinabi mo dahil lahat pala ng iyon ay puro lamang pambobola
Ito, itong mga nakasulat sa tulang ito ilan lang yan sa mga alaalang naalala ko sa tuwing nakikita ko ang unan na bigay mo
Bigay mo noong mga panahong akala ko tayo na ang para sa isa't isa pero hindi pala dahil pinagmuka mo lamang akong tanga.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...