Spoken Poetry #12

621 6 0
                                    

Kaibigan

Sila yung tao na laging nandiyan sa tabi mo
Kapag kailangan mo
Na gagabay at tutulong sayo
Sa bawat problema at pagsubok na kinakaharap mo

Sila yung tao
Na minsan magsisilbing kapatid at nanay mo
Na manenermon sayo
Kapag sumobra ka na sa katangahan mo

Sila din yung tao na magiging unan mo
Na pwede mong paglabasan ng hinanakit mo
Na pwede mong iyakan kapag gusto mo
Kapag kailangan mo

At lalong-lalo sila yung tao na kapag nadapa ka
Imbes na tulungan ka
Ay pagtatawanan ka pa
At tatanungin ka "Ilan nahuli mong isda?"

Pero kahit ganyan sila
Hindi ka nila magagawang iwan nalang basta
Dahil mahalaga ka na sa kanila
O sabihin na nating dahil mahal ka na nila

Kaya yung mga kaibigan niyo
Alagaan niyo
At ipadama niyo sa kanila kung gaano kayo kasaya
Dahil kaibigan niyo sila

Ito pa pala huwag niyong hahayaan
Na maramdaman
Ng kaibigan niyo
Na hindi siya mahalaga sa inyo

Lagi niyong ipadama sa kaibigan niyo
Kung gaano sila kahalaga sa inyo
Para balang araw kapag nawala yung kaibigan niyo
Di kayo magsisisi ng todo-todo.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon