Spoken Poetry #25

328 3 0
                                        

Kapalit

Sa bawat halakhak
Ay may pusong nawawasak
Sa bawat tawa
Ay may kaakibat na kalungkutang matatamasa

Sa bawat ngiti
Ay may taong nakangiwi
Sa bawat hiling na lumakas ang patak ng ulan
Ay may pamilyang naghahanap ng matutuluyan

Kaya kayo isipin niyong mabuti kung ano ang inyong hihilingin
At kung ano ang inyong gagawin
Dahil sa bawat saya na ating nararamdaman
Ay may taong nagdurusa o nasasaktan ng hindi natin alam

Pero lagi niyo lamang tatandaan
Itong katagang aking bibitawan
Na 'sa bawat problemang ating kinakaharap
Ay may solusyon tayong mahahanap'.

Hugot and Spoken WordMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon