Spoken Poetry #13

546 5 2
                                    

Anino

Sa pagtanaw ko
Dito sa building na kinatatayuan ko
Ay nakikita ko
Ang anino mong unti-unting lumalayo

Lumalayo, lumalayo sa tabi ko
Lumalayo sa piling ko
At hindi ko na makikita kahit kailan ko gusto
Pero...

Huwag kang mag-alala di na ako maghahabol pa sayo
Dahil sa pagtalikod mo
Ay kasabay ng pagtulo ng luha ko
At pagsabing mahal paalam na sayo

Hindi man tayo hanggang dulo
Nag-iba man ang mahal mo
Huwag kang mag-alala pangako...
Ikaw lang ang mamahalin ko

Kaya sana pag nagkita tayo
Maalala mo pa rin ako
Kahit lamang bilang isang tao
Na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka ng totoo.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon