Spoken Poetry #10

733 5 0
                                    

Rosas

Sabi nila rosas daw ang sumisimbolo
Sa magkasintahan
At sumisimbolo din daw ito
Sa masaya nilang pagsasama

Pero bakit parang hindi naman
Parang hindi ko ramdam
Yung kaligayahang mararamdaman mo daw
Kapag binigyan ka ng rosas ng taong mahal mo

Mahal mo pero di ka naman gusto
Na kaya niya lamang ginagawa yung bagay Na iyon
Ay dahil madali Lang utuin
At paniwalain

Sa isang bagay na akala mo ay totoo
Pero kasinungalingan lamang pala ito
Katulad na lamang ng pagsabi niya na mahal ka niya
Pero hindi naman pala

At katulad din ng pagsabi niya na babalik siya
Pero hindi naman pala
Tapos isang araw magugulat ka nalang may iba na pala siya
At pinagpalit ka na niya

Tapos ngayong wala na sila
Saka lamang niya naalala
Na balikan ka
Ang sakit diba?

Pero kahit ganun wala na akong pakialam pa
Kahit bumalik pa siya
Dahil natuto na ako
At masaya na ako

Sa kung anong meron ako
At nang wala siya sa buhay ko
Kaya wala na akong pakialam kung nandito man siya
Sa harapan ko

Humihingi ng tawad habang may dalang rosas
Na paborito ko
Na dati ay sumisimbolo
Sa pagmamahalan naming akala ko'y totoo

Pero hindi naman pala

Dahil pinagmuka niya lamang akong tanga
At pinaasa
Sa mga kasinungalingan niya

Kaya ngayon sa tuwing nakikita ko ang rosas na paborito ko
Na dati ay sumisimbolo
Sa ating dalawa
At sa masaya nating pagsasama

Pero ngayon iba na
Dahil sumisimbolo na ito ngayon sa
Mga hirap na naranasan ko
Noong iniwan mo ako

Noong mas pinili mo siya kaysa sa akin na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ka
Ng todo-todo
Huwag ka lang mawala sa tabi ko

Ay naaalala ko
Ang kataksilan mo
Pero huwag kang mag-alala napatawad na kita
At last na rin ito kaya paalam na.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon