Spoken Poetry #2

1.4K 14 0
                                    

Maling akala

Simulan natin sa unang pahina
Noong una kitang nakita
Agad akong humanga
Lalo na noong lubos kitang nakilala
Lalong tumindi ang aking paghanga
Paghanga nga lang ba?
O mahal ko na?

Siguro mahal na nga talaga kita
Kasi sa tuwing nakikita ka
Lagi akong sumasaya
Laging lumiligaya
Ang puso kong akala ko'y wala ng pag-asa
Mula ng dumating ka
Mula ng makilala kita

Siguro nahulog na nga talaga ako
Sa isang tao
Na akala ko sasaluhin ako
Pero nagkamali ako
Dahil noong nalaman mo
Na may gusto ako sayo
Agad kang lumayo

Agad mo akong iniwasan
Na parang wala tayong pinagsamahan
Na parang hindi tayo naging magkaibigan
Noong araw na iyon sinabi ko Sa sarili ko
Na ang tanga ko
Na dapat di ko na sinabi ang bagay na iyon sayo
Na alam kong makakasira lamang sa ating dalawa
Dahil lahat pala iyon ay puro lamang maling akala.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon