Spoken Poetry#5

1K 11 0
                                    

Tanga

Tanga na kung tanga
Yan naman ang tingin niyo sa akin diba?
Diyan naman kayo magaling sa panghuhusga
At sa pangengealam ng buhay ng iba

Tingin niyo ba ginusto ko ito?
Ang magmahal ng isang tao
Na hindi makita ang halaga ko
At na hindi naman ako gusto

Kung kaya ko lang sanang turuan ang puso ko
Na mahalin yung taong gusto ako
Edi sana ginawa ko na
Kaso di ko kaya

Di ko kaya na turuan ang puso ko
Na mahalin ang ibang tao
Dahil isa lang ang tinitibok nito
At yun ay ikaw mismo

Pero tama na
Di ko na kaya
Na ituloy pa itong tula
Dahil hindi mo naman ito mababasa

Parang ang pagmamahal ko sayo
Di ko na kaya na ituloy pa ito
Dahil nasasaktan na ako ng sobra
Dahil manhid ka

Di mo man lang maramdaman na ika'y mahal ko talaga
Kahit na lagi mo akong kasama
Kaya tama na, ititigil ko na 'to
Dahil pagod na ako

Na umasang mamahalin mo din ako
Ng totoo
Katulad ng pagmamahal mo
Sa isang taong di ka naman gusto

Kaya mahal sana kapag nawala ako
Wag mo sanang kalimutan ang katulad ko
katulad kong tanga na walang ibang ginawa
Kundi ang mahalin ka.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon