Spoken Word #21

378 5 0
                                    

Kung saan ka sasaya

Hindi na ako magtataka kung isang araw bigla mo akong Iwan
Hindi na ako magtataka kung bigla kang mawala ng lubusan
Hindi na din ako magtataka kung Iiwan mo ako ng luhaan
At higit sa lahat hindi na ako magtataka kung ako'y iyong sasaktan

Hindi kasi ako yung babaeng kagandahan
Hindi rin ako yung babaeng pang rampahan
At lalong hindi ako yung babaeng pangmatagalan
Isa lang kasi akong babaeng medyo may kabaitan

Hindi pa sigurado kung babae ba talaga
Dahil sa aking mga kinikilos at porma
Ngunit isa akong babaeng simple
At walang arte

Kaya kung nagbabalak ka na iwan ako
Dahil sa ugali o pagkatao ko
Hindi kita pipigilan dahil kung jan ka mas sasaya
Papalayain kita.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon