Eleksyon
Eleksyon na naman
Magsisilabasan na naman ang mga taong bait-baitan
Mga taong ika'y babayaran
Upang sila ang maihalal sa pamahalaanMagsisilabasan na naman ang kanilang mga plataporma
Na ang gaganda
Akala mo kaya nilang panindigan
Ngunit mga hanggang salita lamangMga taong ang galing magbitaw ng pangako
Ngunit lagi namang napapako
Mga taong lagi lang nandiyan
Kapag botohanParang pekeng kaibigan
Lagi kang sasamahan
Laging nasa tabi mo
Kapag may kailangan sayoNgunit kapag wala
Bigla na lamang silang mawawala
Nang parang bula
O kaya naman bihira mo na lamang makitaKaya kung ako sayo
Iboto mo ang nararapat na tao
Ang taong hindi sa una lang magaling
Bagkus hanggang huli din.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...