Mahal na mahal kita
Sa paglipas ng bawat oras, minuto at segundo
Kasabay ng pagtulo ng luha ko
Pagpatak ng ulan sa kalangitan
At pagkislap ng bituin sa kalawakanAy patuloy ko pa ding pinanghahawakan
Ang mga pangakong iyong binitawan
Na sabi mo hindi mo ako iiwan
Ngunit bigla kang lumisanBigla mo akong iniwan
Ng walang paalam
Bigla mo akong iniwan
Mag-isa ng luhaanAkala ko hindi mo ako sasaktan ng ganito
Ngunit nagkamali ako
Dahil ikaw pa ang unang tao
Na nanakit sakin ng todoHindi man physically
Ngunit emotionally
Mo naman akong nasaktan
Dahil sa iyong biglaang paglisanAlam mo ba?
Miss na miss na kita
Gusto kitang yakapin
Ngunit wala ka naman na sa aking pilingGusto kong sabihin sayo na mahal kita
Gusto kong sabihin kung gaano ka kahalaga
Gusto kong sabihin kung gaano ako kaswerte dahil nakilala kita
Gusto kong sabihin lahat nang mga bagay na hindi ko nasabi noong kasama pa kitaNgunit alam ko
Na hindi ko na magagawa ang gusto ko
Dahil gaya nga ng sinabi ko kanina
Hindi na kita nakakasamaAt hindi na kita nakakausap pa
Sapagkat ikaw ay namayapa na
Sa mundong aking ginagalawan
Sa mundong pinagiwanan mo ng mga pangakong aking pa ding pinanghahawakanSa huling pagkakataon
Nais ko lamang sabihin ang nasa loob ko ngayon
Na mahal na mahal kita
Aking Ina.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...