Spoken Poetry #14

548 4 0
                                        

Dati

Mahal naaalala mo pa ba?
Noong tayo'y mga bata pa
Noong paglalaro lang ang ating inuuna
Noong wala pa tayong mabibigat na problema

Kasi ako mahal naaalala ko pa
Naaalala ko pa kung gaano ka kalakas tumawa
Sa tuwing ako'y madadapa at matutumba
At naaalala ko din kung paano mo ako lagi pinapasaya

Ang sarap lang balikan noong mga panahong tayo'y bata pa
Dahil gaya ng sinabi ko kanina
Noon wala pa tayong masyadong problema
Hindi tulad ngayon na hindi ko na mabilang kung ilang pagsubok ang kinakaharap nating dalawa

Ngayon sa tuwing gigising ako sa umaga
Laging sumasagi sa utak ko kung kailan ba matatapos ang ating mga problema
Mahal naman natin ang isa't-isa
Pero bakit ang daming hadlang sa pagmamahalan nating dalawa?

Bakit kasi ngayon lamang natin nalaman ang bagay na ito?
Bakit ngayon pa kung kailan mahal na natin ang isa't-isa?
Bakit ngayon pa kung kailan masaya na tayong dalawa?
Ilang beses kong hiniling na sana hindi na lamang ito totoo

Ngunit huli na
Pinagtapat na sa atin ng iyong Ama at Ina
Sinabi na nila ang kaisa-isang bagay na kailangan nating malaman
Ang bagay na ngayon ay unti-unting sumisira sa relasyon na matagal nating iningatan

Sa isang iglap
Naglaho lahat ng ating mga pangarap
Sa isang iglap gumuho bigla ang ating mundo
Dahil lang sa pagsabi nila ng mga katagang "Magkapatid kayo".

Hugot and Spoken WordMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon