Spoken Poetry #19

388 3 0
                                    

Unknown

Nag umpisa sa salitang "hello"
Natapos sa salitang "hihintayin kita pangako"
Pero bakit bigla kang naglaho?
Bakit hindi mo tinupad ang iyong mga pangako?

Nagmadali akong bumalik
Kasi pinanghawakan ko yung sinabi mong aantayin mo kong makabalik
Pero bakit ganun?
Bakit parang hindi mo na ako kilala ngayon?

Isang taon lang ako nawala
Pero bakit bigla kang nag iba
Kinausap agad kita
Pero ang cold mo na

Ganun ba talaga
Kapag matagal mong hindi na Kasama?
Bigla ka nalang mag-iiba
Ay mali bigla ka nalang magkakaroon ng iba

Ang tanga ko
Kasi ngayon ko lang napagtanto
Na kaibigan mo nga lang pala ako
Kasi higit pa sa kaibigan yung feelings ko sayo

Ang tanga ko
Dahil pinaniniwala ko yung sarili ko
Na parehas tayo ng nararamdaman
Pero ako lang pala tong si tanga na minahal ka ng higit pa sa kaibigan

Wag kang magalala
Dahil kahit masakit pipilitin ko pa ding maging masaya
Lagi lang akong nandito sa tabi mo
Bilang kaibigan mo.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon