Nag-iisang tao
Mahal naaalala mo pa ba?
Noong mga panahong tayo'y masaya pa
Noong mga panahong sabi mo ako lang at wala ng iba
Kasi ako naaalala ko paNaaalala ko pa kung paano mo sinabi
Habang may ngiti sa iyong mga labi
Ang mga salitang magal mo din ako
Pero isa lang pala iyan sa mga kasinungalingan moNakakatawa diba?
Ganun pala ako katanga
Para maniwala sa mga katagang binitawan mo
Lalo na sa katagang mahal mo akoAlam mo mahal ang tanga-tanga ko
Dahil mas pinaniwalaan kita kesa sa kaibigan ko
Una palang naman alam ko na
Na manloloko kaPero ako ito si tanga
Umasa na magbabago ka
At na tayo na ang para sa isa't-isa
Pero mali pala ako na umasa na magbabago kaDahil una palang 'di mo na ako gusto
At isa lang ako sa mga laruan mo
Pero mahal huwag kang mag-alala
Dahil napatawad na kitaDi naman ako galit sayo
Galit ako sa sarili ko
Dahil hinayaan ko na mahulog ako
Sa isang tao na di naman kayang saluhin akoAt na di naman kayang suklian ang pagmamahal ko
Pero mahal di ko naman hinahangad na mahalin mo ako
Ang gusto ko lang naman makita kang masaya
Kahit pa sa piling ng ibaAng akin lang mahal sana una palang sinabi mo na
Na sa akin wala kang nadarama
Para hindi na sana ako umasa
At nagmukhang tangaMahal pangako huli na 'to
Hindi na ako manggugulo
Nais ko lamang sabihin na
Mahal na mahal kitaAt sana maging masaya ka
Sa piling niya
Huwag mo sanang kakalimutan yung nag-iisang tao
Na laging nasa tabi mo noong kailangan na kailangan mo.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...