Katapusan
Lumipas ang isang taon
Ngunit parang ang lahat ay nangyari lamang kahapon
Sariwa pa sa aking alaala
Kung paano tayo masayang nagsasama-samaMay alitan o tampuhan man ang nangyayari sa pagitan mo at ni ama
Ngunit masaya pa din tayong gumigising sa umaga
Kumakain ng almusal ng magkakasama
At sa huli kumpleto parin tayong kumakain ng Noche BuenaSubalit isang araw dumating ang aking kinatatakutan
Ang kuhain ang isa sa aking pamilya ni kamatayan
Dumating ang araw ng iyong kamatayan
Wala kaming ibang nagawa kundi ang magdamayanDahil alam naming ito'y nakatadhana
Na lahat ng tao ay mawawala
At na lahat ng kasiyahan
Ay mayroong hangganan.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...