Mahal kita pero paalam na
Isa, dalawa, tatlo, apat, lima
Lima, limang kurap ng mata ang ginawa ko
Upang pigilan ang pagtulo ng luhang nagbabadyang tumuloLima, limang luha ang nakatakas mula sa mata ko
Noong iniwan mo akoApat, apat na salita na mula Sa iyong labi
Ang nagpatulo ng limang patak ng luha sa aking pisngiApat, iyang apat din na salitang yan ang nagwasak sa puso ko
Noong iniwan mo akoTatlo, tatlong tasa ng kape
Ang iniinom ko lagi
Upang magising sa katotohanang wala ka na
At may mahal ka ng IbaDalawa, dalawang tanong Ang pumasok sa utak ko
Noong ipinagpalit mo ako sa ibang tao"Saan ba ako nagkulang,
Upang ikaw ay magkaganyan?""Minahal mo ba talaga ako
O pinaglaruan mo lang ang feelings ko?"Isa, isa lang naman ang gusto kong marinig mula sayo
At yun ay ang sabihin mong mahal mo din akoPero paano ko nga pala maririnig Ang salitang nais ko
Ni Hindi nga ako Mahalaga sayo
Kaya Mahal patawad sa mga pangugulit ko
Last na to,
Nais ko lamang sabihin sa huling pagkakataon na mahal kita
Pero paalam na.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
RandomNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...