Selos
Selos ang kadalasang nagiging dahilan
Kung bakit nag-aaway ang magkasintahan
At kung bakit sila humahantong sa hiwalayan
Okay lang naman na magselos ka
Huwag mo lang papaabutin sa punto na
Maghihiwalay kayong dalawa
O hihiwalayan mo siya
Dahil lang sa nagseselos ka
At dahil hindi mo na kaya
Hindi mo na kaya na intindihin siya
O sadyang 'di mo lang talaga iniintindi siya
Dahil sa nagseselos ka
Nagseselos ka sa isang bagay na di mo alam kung tama ba
Na kung totoo ba
Na mayroon siyang iba
Pero ito sinasabi ko sayo
Tigilan mo na ang ginagawa mo
Dahil masasayang lang ang pagod mo
Dahil hindi siya gaya ng iniisip mo
Na manloloko
Katulad ng ex mo
Na basta ka nalang iiwan
At pababayaan
Kapag hindi ka na niya kailangan
Kaya kung ako sayo
Kakausapin ko siya ng matino
Nang umayos naman yung relasyon niyo
Relasyon niyong unti-unti ng nasisira
Dahil lamang sa selos na hindi naman tama
At na hindi naman dapat ginagawa.
BINABASA MO ANG
Hugot and Spoken Word
CasualeNaranasan mo na bang masaktan Nang dahil sa pag-iibigan? Naranasan mo na bang umuwi ng luhaan Dahil iniwan ka ng iyong kasintahan? Kasi kung Oo Di tayo magkapareho Dahil di ko pa naranasan masaktan At lalong-lalo ang umuwi ng luhaan Pero ang librong...
