Spoken Poetry #17

460 0 0
                                    

Pagkakamali

Naaalala ko pa noong una kitang nakita
Akala ko noon mahiyain ka
Na medyo may pagkamasungit dahil sa iyong itsura
Kaya akala ko din mahihirapan akong makasundo ka

Ngunit mali pala ako ng akala
Dahil noong minsang nakausap kita
Nalaman ko na ang daldal mo pala
Tapos ang saya mo kasama

Matapos ang araw na iyon lagi na tayong naguusap dalawa
Lagi mo akong kinakamusta
Syempre kinakamusta din kita
Para patas diba?

Tuwing magkausap tayo
Ang sweet mo
Kapag ayaw ko kumain, pinapakain mo ako
Kapag malungkot ako, pinapatawa mo ako

Dahil sa paganon-ganon mo hindi ko alam kung paano o kailan
Basta bigla ko malamang itong naramdaman
Ang biglaang pagtibok ng puso ko
Satuwing magkausap tayo

Ang biglaang pagtalon nito
Na para bang gusto ng kumawala sa dibdib ko
Noong una ang saya ko pa sa aking nararamdaman
Ngunit noong mapagtanto ko na ikaw ang aking minahal bigla akong nasaktan

Bakit ikaw pa?
Bakit sayo pa?
Ang dami-dami namang tao sa mundo
Bakit sayo pa nahulog ang puso ko

Oo aaminin ko, noon wala akong pakialam
Sa kahahantungan ng aking nararamdaman
Ngunit ngayon naisip ko
Na sana pala pinigilan ko ito

Na sana pala pinigilan ko ang damdamin ko
Na sana pala pinigilan ko ang sarili ko
Na mahulog sa maling tao
Hindi lang basta tao kundi sa AMA KO.

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon