Spoken Poetry #30

271 2 0
                                    

Gusto ko subalit

Gusto kong mapag-isa
Gusto kong pumunta sa lugar na ako lang mag-isa
Gusto kong mag-isip tungkol sa problemang kinakaharap ko ng mag-isa
Gusto kong isigaw lahat ng hinanakit na aking nadarama

Ngunit mas gusto kitang makasama
Mas gusto kong pumunta sa isang lugar kasama ka
Upang gumawa ng panibagong alaala
Na babaunin ko sa aking pagtanda

Mas gusto kong sabihin sayo ang aking mga problema
Upang tulungan mo akong solusyunan ito habang ika'y kasama
Mas gusto kong sabihin sayo ang hinanakit na aking nadarama
Upang samahan akong harapin ito at hindi maramdamang ako'y nag-iisa

Subalit paano ko pa ito magagawa?
Kung ika'y wala na
Kung ika'y namayapa na
Aking mahal na Ina

Hugot and Spoken WordTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon